LIGTAS BA ANG HANGIN SA LOOB NG IYONG BAHAY?

PUSONG PANALO

BUONG araw ay nasa bahay tayo ngayong mga panahon na ito kaya tama lamang na pagtuunan din natin ng pansin ang isang bagay na nakakaapekto nang husto sa ating kalusugan: ito ay ang kalidad ng hangin na nahihinga natin sa loob ng bahay. Kung minsan nakakapasok ang polusyon mula sa labas, o kaya naman ay naaapektuhan ang hangin sa loob dahil sa mga kemikal na ginagamit natin sa mga produktong panlinis ng bahay.

Ang alikabok at mabahong amoy ay problema rin, kaya mabuting pag-aralan kung paanong mapapabuti ang hangin sa bahay para na rin sa kalusugan ng mga taong nakatira rito.

Kung gagamit tayo ng kandila, mas mainam na piliin ang mga beeswax candles dahil halos walang usok ito kung sisindihan. Nakakatulong din ito sa pagtanggal ng mga toxins sa hangin.

Ang gas stove naman ay naglalabas ng nitrogen dioxide na humahalo sa hangin kaya’t hindi rin mabuting magluto sa loob ng bahay kung walang range hood o di kaya ay exhaust system na makakapagpalabas ng hindi magandang hangin mula sa ating mga lutuan.

Nauuso ngayon ang Himalayan salt lamps at mga halamang may kakayahang magpasariwa ng hangin sa loob ng ating mga tahanan. Maaari ring gamitin ang essential oils, kagaya ng thieves oil, upang patayin ang mga airborne bacteria. Puwedeng gumamit ng essential oil diffuser sa mga silid ng ating bahay para kumalat ang usok mula sa mga oils na ating gagamitin.

Huwag ipasok sa loob ang mga sapatos at tsinelas na galing sa labas ng bahay. Maiiwasan na ang pagkalat ng virus at bacteria, mapapanatili pang sariwa o presko ang amoy ng hangin sa loob ng ating mga tahanan.

5 thoughts on “LIGTAS BA ANG HANGIN SA LOOB NG IYONG BAHAY?”

  1. 756761 138767This internet site might be a walk-through for all of the details you wanted in regards to this and didnt know who to question. Glimpse here, and you will definitely discover it. 771729

Comments are closed.