INIHAYAG ng lokal na pamahalaan ng Las Pinas na handa nang tumanggap ng pasyente ang kanilang local isolation and general treat-ment area (LIGTAS) na sa ngayon ay ‘fully operational’ para sa mga indibidwal na nahihirapan sa pagsasailalim sa kanilang mga sarili sa home quarantine.
Sinabi ni Las Piñas City Mayor Imelda ‘Mel’ Aguilar, kanyang inatasan si Dr. Arvin Marbibi, medical officer ng City Health Office (CHO), na maging administrador ng Ligtas facility at siya ring mamamahala sa naturang pasilidad.
Ayon kay Aguilar, ang Ligtas facility ay mayroong 55 na kama para sa mga pasyente kabilang ang 2 kama sa isolation rooms na maaring tumanggap sa mga residente sa lungsod na gustong magpa-confine sa kanilang pasilidad.
Sa panig naman ni Marbibi, sinabi nito na ang pasilidad ay tumatanggap ng mga pasyente na may edad na 18 hanggang 59 taong gulang ar-aw-araw mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.
Sa kasalukuyan, ang Ligtas facility ay kasalukuyang nag-aalaga ng 4 na pasyente na nag positibo sa coronavirus disease (COVID-19). MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.