LIGTAS NA BALIK-ESKUWELA INILUNSAD NG DEPED

PINANGUNAHAN ng Department of Education (DepEd) ang paglulunsad ng BIDA Kid Campaign na layuning palawakin ang ligtas na pagbabalik-eskuwela ng mga mag-aaral mula nang tumama ang pandemya ng COVID-19.

Katuwang ng DepEd ang Department of Health (DOH) at ang United States Agency for International Development o USAID sa nasabing kampanya na nanghihikayat sa mga magulang, mag-aaral, guro at iba pang stakeholders na panatilihin ang health and safety guidelines sa lahat ng Paaralan at public spaces.

Tampok sa isinagawang programa ng DepEd sa Mall of Asia grounds sa Pasay City ang 3B’s o ang Bakuna, Bayanihan at BIDA behaviors na mas kilala sa proper hygine at distansya para makaiwas sa virus.

Batay sa datos ng DepEd, humigit kumulang 13,692 na mga pampubliko at pribadong paaralan ang nagsagawa ng in-person classes kung saan, karamihan sa mga mag-aaral, guro at mga tauhan ng paaralan ay pawang mga bakunado na kontra sa COVID-19.