HELLO everyone! Ito po ang AskUrBanker. Tuwing Sabado, ako po ang inyong makakasama, ang inyong Kuya Mark, at ako po ang tutulong sa inyong humanap ng kasagutan sa inyong mga question marks about banking.
Ngayong Sabado, ating pag-uusapan ang isang paraan ng ligtas na pag-iinvest ng ating pera, ang TIME DEPOSIT.
Ngayong malapit nang matapos ang buwan ng Nobyembre, marami na sa atin ang nag-aabang na sa nalalapit na Kapaskuhan. Pasko na yata ang isa sa pinakahihintay na holiday nating mga Filipino. Kaliwat’ kanan na ang mga Christmas party, pati na rin ang mga kainan. Panahon din ito ng pagbibigayan at pagtanggap ng iba’t ibang regalo. Kaakibat ng excitement na ‘yan ay ang pagtanggap natin ng ating 13th month pay at iba pang Christmas bonuses! Marahil ang iba sa inyo ay nakuha na ang 13th month pay o kaya naman ay makukuha pa lamang ito pagdating ng Disyembre.
Kung sakali mang nakuha na natin ang ating 13th month pay, huwag muna nating ubusin ito. Mainam na maglaan tayo ng maliit na porsiyento para sa ating mga paghahanda para sa nalalapit na Pasko. Ugaliin din natin na ilagay sa savings ang malaking bahagi ng ating 13th month pay. Hanggang maaari, subukan natin i-invest ang malaking bahagi ng nakuhang 13th month pay upang lalo pa itong mapalago.
Ngunit kung iniisip mo na nakakatakot mag-invest dahil sa posibilidad na hindi kumita o malugi ang iyong pera, huwag kang mag-alala sapagkat may good news ang AUB para sa inyo. Maaari ka nang mag-invest sa pamamagitan ng Time Deposit. Ang Time Deposit ay isang instrumento kung saan maaari mong i-invest ang malaking bahagi ng 13th month pay mo o iba pang ipon at siguradong kikita ka ng mas malaking interest kumpara sa isang regular savings account.
Kumpara sa isang regular savings account, may tinatawag tayong minimum term sa Time Deposit. Ang minimum term ay ang number of days na willing kang itago ang pera mo sa bangko na hindi ginagalaw kapalit ng mas malaking interest rate. Ang minimum term na maaari sa isang Time Deposit ay 30 days at ang pinakamatagal naman ay 360 days. Kaya siguraduhin natin na ang perang ilalagay natin sa time deposit ay funds na nakalaan talaga para sa pag-iinvest, dahil hindi mo ito basta-basta mawi-withdraw. Ligtas din itong pamamaraan ng investment. Siguradong kikita ka sapagkat maaari mo nang ma-compute kung magkano ang maaari mong kitain sa mismong araw na magbubukas ka ng Time Deposit.
Bumisita lamang sa kahit anong AUB branch upang makapagtanong at makapagbukas ng iyong Time Deposit Account. Para sa karagdagang detalye, mag-AskUrBanker na!
Alamin din ang iba’t iba pang products at services ng AUB sa www.aub.com.ph o kaya naman ay i-follow ang AUB sa Facebook (AUB.official) o sa Twitter/Instagram at Youtube (AUBofficialph).
Remember, it is always best to AskUrBanker! Hanggang sa susunod.
Comments are closed.