LIGTAS NA PAG-IINVEST WITH TIME DEPOSIT

AskUrBanker

HELLO everyone! Ito po ang AskUrBanker. Tuwing Sabado, ako po ang inyong makakasama, ang inyong Kuya Mark, at ako po ang tutulong sa inyong humanap ng kasagutan sa inyong mga question marks about banking.

Ngayong Sabado, ating pag-uusapan ang isang paraan ng ligtas na pag-iinvest ng ating pera, ang TIME DE-POSIT.

Ngunit kung iniisip mo na nakakatakot mag-invest dahil sa posibilidad na hindi kumita o malugi ang iyong pe-ra, huwag kang mag-alala sapagkat may good news ang AUB para sa inyo.  Maaari ka nang mag-invest sa pa-mamagitan ng Time Deposit. Ang Time Deposit ay isang instrumento kung saan maaari mong i-invest ang iyong ipon at siguradong kikita ka nang mas mala­king interest kumpara sa isang regular savings account.

Kumpara sa isang regular savings account, may tinatawag tayong minimum term sa Time Deposit.  Ang mini-mum term ay ang number of days na willing kang itago ang pera mo sa bangko na hindi ginagalaw kapalit ng mas malaking interest rate.  Ang minimum term na maaari sa isang Time Deposit ay 30 days at ang pinakamatagal naman ay 360 days.  Kaya siguraduhin natin na ang perang ilalagay natin sa time deposit ay funds na nakalaan talaga para sa pag- iinvest, dahil hindi mo ito basta-basta mawi-withdraw. Ligtas din itong pamamaraan ng in-vestment. Siguradong kikita ka sapagkat maaari mo nang ma-compute kung magkano ang maaari mong kitain sa mismong araw na magbubukas ka ng Time Deposit.

Bumisita lamang sa kahit anong AUB Branch upang makapagtanong at makapagbukas ng iyong Time Deposit Account.  Para sa karagdagang detalye, mag-AskUrBanker na!

Alamin din ang iba’t iba pang products at services ng AUB sa www.aub.com.ph o kaya naman ay i-follow ang AUB sa Facebook (AUB.official) o sa Twitter/Instagram at Youtube (AUBofficialph).

Remember, it is always best to AskUrBanker! Hanggang sa susunod.

Comments are closed.