GOOD day mga Kapasada.
Lubhang nakababahala ang mga balitang nagaganap na aksidente araw at gabi sa iba’t ibang bahagi ng Kalakhang Maynila na ayon sa ulat ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ay karaniwang sangkot ang mga Motorcycle Rider.
Daan-daang motorcycle rider ang karaniwang biktima ng aksidente sa mga lansangan sa Metro Manila. Wala ring pinipiling oras at araw ang mga nabibiktima. Siyam sa 10 rin na namamatay na mga rider at back rider ay dahil sa ‘di pagsunod sa mandatory use ng helmet.
Gayundin, ang pangunahing dahilan ng ‘di pagsusuot ng helmet ay ang pagmamaneho ng lasing o nakainom sa kabila nang mahigpit na pagpapatupad ng batas ukol dito.
PASAWAY NA MC RIDER DAHILAN NG AKSIDENTE
Idinaing ng mga traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority na kaya hindi masawata ang unabated traffic accident involving MC Rider ay bunga ng mga:
- pagiging pasaway
- matitigas ang ulo
- pasikatero at
- Kaskasero.
Ayon sa pahayag ng MMDA, sa totoo lang, masarap talaga ang magmaneho ng MC, pero kung hindi tayo susunod sa batas ng ahensiyang may pananagutan sa transportasyon hinggil sa mas ligtas na pag-mamaneho, ang end result nito ay ang malagay tayo sa peligro.
Ipinapayo ng MMDA na sa tuwing sasakay at magmamaneho ng motorsiklo ay laging alalahanin na “HUWAG KAYONG KASKASERO” baka kayo ay pulutin sa sementeryo.
LIGTAS NA PAGMAMANEHO
Sa pakikipanayam ng Patnubay ng Drayber kay Chief Mate Orlan Espero, isang seaman na miyembro ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHBLRC), sa tuwing matatapos ang kanyang siyam (9) na buwan na kontra-ta, lagi siyang kasama sa mga road racing ng kanilang club sa malayuang road race tulad ng:
- PICC to Tagaytay via Carmona route.
- PICC to Batangas at
- PICC to Lucena City at marami pang bahagi ng Calabarzon area.
Ayon kay Espero, bago sila lumarga sa bawat road race na kanilang kinaugalian, nagkakaroon muna sila ng road briefing tungkol sa pangkaligtasang paglalakbay tulad ng:
- Proper use of helmet.
- Bawal na paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.
- Bawal na pagmamaneho kung nakainom ng anumang inuming nakalalasing o gamot na naka-pagpapaantok.
- Bawal ang kaskasero.
- Kailangang gumamit ng ilaw at busina.
- Tumingin sa side mirror.
- Sundin ang dalawang segundong distansiya.
- Umiwas sa lubak ng lansangan o daan.
- Suriing mabuti ang motor bago gamitin at
- Ugaliin ang pagpapa-check ng MC sa qualified mechanic bago sumali sa pangmalayuang road race.
PAGHAHANDA SA MATINDING TRAFFIC
Kinumpirma ng Metropolitan Manila Development Authority nitong nakaraang linggo na traffic in the “Ber” months would be worse year after years of existence.
Kaya naman nagbigay ng tips ang MMDA na kahit papaano, kung hindi man tahasang magkaroon ng zero accident sa mga lansangan ay mabawasan man lamang ito to the minimal.
- If you are driving, keep your eyes on the road at all times. Don’t be distracted by beautiful legs on the side of the road. Don’t be distracted by your mobile phone. Constantly check your rear view mirror for motorists and motorcyclist because that’s how accident happen. Because you don’t see the cars, you think it’s free, and you make a left then all of a sudden there’s a motorcyclist and you hit him.
- Keep your seat belts at all times.
- Laging tatandaan na hindi ka nakikipagkarera. Gusto mong makarating sa iyong patutunguhan ng lig-tas at buhay (safe and alive).
- Observe the speed limit.
- Respect the highway lanes, minimize scooting in and out of the lanes. Let other aggressive drivers go ahead. You are not racing against anyone.
- Pedestrians have the right of way. Maging magalang sa mga tumatawid lalo na sa mga commuter gayundin sa mga estudyante, senior citizen at may kapansanan.
- Maging magalang sa kapwa drayber. You don’t know what problems they have in their lives. Maging mapagpakumbaba. Laging tatandaan na hindi kayo nakikipagkarera. Drive with goodwill in your heart. Hayaang mag-overtake ang mga agresibong drayber. It’s not your loss.
- At stoplights, keep a distance to the next car in front of you sa agwat na half a car’s length.
- Maging listo. Avoid beating the red lights. Don’t race against yellow lights, at
- Iwasang magmaneho kung galit o kaya ay wala sa mood. Drive with a smile in your heart.
Panawagan ng mga opisyal ng MMDA sa mga motorista, “Ang ikapapahamak ng drayber sa anumang sakuna ay maiiwasan kung ang batas ng trapiko ay tahasang igagalang”.
WIFI SA MGA LTO CLIENT
Magandang balita para sa ating mga kapasada na mayroong libreng wifi para sa mga kliyente ng Land Transportation Office (LTO).
Ito ang inihayag ni Assistant Secretary at LTO chief Edgar C. Galvante matapos lagdaan ang kasunduan sa pagitan ng ahensiya at ng PLDT-Smart Communications Inc, (SMART).
Ang kasunduan ay nilagdaan ni Asst. Secretary at LTO Chief Edgar C. Calvante at Senior Vice President and Head ng PLDT and Smart enterprise Business Groups na si Jovy Hernandez, ang kasunduan sa pagkakabit ng Smart WiFi hotspots sa LTO offices sa buong bansa.
Nilagdaan ang kasunduan sa LTO central office, East Avenue, Lungsod ng Quezon noong Oktubre 24, 2019.
Ayon kay LTO chief Galvante, “Malaking tulong para sa lahat ng kliyente ng LTO ang pagkakaloob ng free access sa internet na kalimitang ginagamit upang makakuha ng mga serbisyo, lalo na mula sa mga sangay ng pamahalaan, katulad ng LTO.
Samantala, buong lugod namang pinasalamatan ni Galvante ang PLDT-SMART sa naganap na kasun-duan.
Inihayag ng PLDT-SMART na para sa Phase 2 ng proyekto, 64 na office ng LTO sa buong bansa ang ma-bibiyaan ng Hotspots, 22 rito ay nasa Metro Manila. Susunod namang kakabitan ng internet ang mga natitirang opisina.
Laging tandaan: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.
Happy motoring. (Photos from googles)
Comments are closed.