TINIYAK ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligtas pa rin ang pagbiyahe sa Hong Kong sa kabila ng mga kaliwa’t kanang kilos protesta.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr, na ang mga nagaganap na kilos protesta ay inaanunsiyo naman kaya may paghahandang isinasagawa bago pa man dumating ang araw ng kilos protesta.
Batay sa mga impormasyong nakuha ni Locsin, ilan sa mga petsa kung saan isasagawa ang kilos protesta ay sa Oktubre 9-14, Oktubre 21, Oktubre 26 at Oktubre 31.
Gayunpaman, patuloy pa rin ang mahigpit na paalala ng DFA sa mga Filipino na nasa Hong Kong na iwasan ang pagsali sa mga rally.