LIGTAS PASKUHAN 2018 INILUNSAD PARA SA SIMBANG GABI

simbang gabi

TAGUIG CITY – UPANG matiyak ng Philippine National Police –National Capital Regional Police Office na magiging ligtas at mapayapa ang Yuletide Season sa Metro Manila ay inilunsad ni NCRPO Chief, Director Guillermo Eleazar ang “Ligtas Paskuhan” 2018.

Ayon kay Eleazar, kaugnay sa PNP’s Ligtas Paskuhan 2018 program, ang  Team NCRPO ay ipagdiriwang ang kanilang kapaskuhan sa pamamagitan ng mas pinaigting na police ­visibility sa kanilang nasasakupan upang matiyak na umiiral ang  peace, order, safety and joy sa kapaligiran  sa lahat ng sandali sa bawat araw.

Kahapon bago magsimula ang simbang gabi ay inalerto na ng heneral ang kanilang puwersa kasama ang mga district police commander para tutukan ang inaasahang pagdagsa ng milyon-milyong Katoliko sa mga simbahan sa buong Metro Manila.

Pahayag ng opisyal kaugnay sa pagsisi­mula ng Simbang Gabi kanina (Disyembre 16, 2018), mahigit 1,000 ang itinalaga sa may  300 simbahan para matiyak ang kaligtasan ng mga church goer bukod pa sa mga tauhan nila na mangangalaga sa mga ruta at lansangan patungo sa mga bahay sambahan.

Inihayag ng NCRPO Regional Director na idi-deploy nila ang may 7,823 NCRPO police officers na ­kaagapay ng may 7,955 force multipliers para pangasiwaan ang peace and order situation sa Kalakhang Maynila. VERLIN RUIZ

Comments are closed.