SA pagsisimula ngayon ng Simbang Gabi, itinaas naman ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang alerto upang matiyak na mababantayan ang mga deboto ng Simbahang Katoliko kasabay nito ang pagbuhay sa “Ligtas Paskuhan 2024.”
Karaniwan ang misa ay sa gabi o sa madaling araw kaya naman upang hindi magtagumpay ang masasamang elemento ay iniutos ni PNP Chief Gen Rommel Francisco Marbil na ilagay sa heightened alert ang kanilang puwersa.
Pinaigting din ang police visibility sa mga simbahan at iba pang puok dasalan, mga kainan, pamilihan at pasyalan.
Epektibo ang heightened alert kaninang alas-12 ng madaling araw.
“Our priority is to provide a safe and peaceful environment for all devotees participating in this sacred tradition,” PGen Marbil stated. “We have increased police presence in churches and surrounding areas to ensure public safety throughout the Simbang Gabi period,” ayon kay Marbil.
Nagtayo rin ng Police Assistance Desks (PADs) malapit sa mga simbahan, habang umikot din foot and mobile patrols sa iba’t ibang strategic areaas kasama ang public transport terminals, parking areas, at marketplaces.
EUNICE CELARIO