LIGTAS TIPS PARA SA BIYAHERO NGAYONG HOLIDAY SEASON

BIYAHERO-3

(ni EUNICE CALMA-CELARIO)

PATULOY na dumaragsa ang mga biyahero sa iba’t ibang bus terminal, pantalan at paliparan ngayong Holiday Season.

Ngayong araw, Disyembre 31, inaasahang madaragdagan pa ang makikipagsapala­ran para makasakay sa mga bus, barko at eroplano nang makauwi sa kani-kanilang probinsiya at makapiling ang mahal sa buhay sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa ganitong pagkakataon, hindi maiiwasan ang disgrasya kaya naman nagsaliksik ang pahayagang ito para magbigay ng guidance o tips para sa ligtas na biyahe.

Upang maging kampante sa biyahe, makabubuting pumunta nang maaga sa mga bus terminal, panta-lan, at paliparan.

Ito ay upang makapamili ng nais na puwesto sa loob ng sasakyan, walang maiwang bagahe at para makaiwas sa siksikan na minsan ay nauuwi sa init ng ulo at pakikipagtalo.

Kailangan ding maging alerto sa mga bitbit at kung may kasamang bata, walang makaliligtaan.

Iwasan din ang pagsusuot ng mamahaling alahas at pagdadala ng malaking halaga ng pera na maaaring manakaw ng kawatan sa biyahe.

Maging maingat din sa baong pagkain at tubig.

Magbaon ng gamot sa sakit ng ulo at pagdurumi.

Hind rin maiaalis ang mga banta sa seguridad kaya kung may mapansing kahina-hinalang bagahe sa terminal ay agad itong ipagbigay alam sa awtoridad, gaya ng mga guwardiya at pulis.

Kung patungo sa lalawigan ng Quezon, isa sa pinagkakatiwalaang bus company na maaaring tangkilin ang P & O Transport Corp. dahil maingat sa biyahe  at subok na ang performance ng mga yunit nito, drivers at conductor.

Mayroon silang terminal sa Alabang sa Muntinlupa City habang ang ruta ay sa Guinyangan, Tagka-wayan, Sta. Elena, Lucena sa Quezon at sa Ragay, Camarines Sur at kung paluwas sa Metro Manila ay maaaring bumaba sa Alabang o kaya naman ay sa Quezon City.

Ang origin terminal ng P & O Transport Cor.  ay sa Brgy. Calimpak, Guinayangan, 4319 ­Quezon.

Comments are closed.