Sa totoo lang, wala naman tayong masyadong alam talaga sa pharmaceuticals. Basta kapag pumunta tayo sa duktor kapag may sakit, bibigyan tayo ng prescription drugs na siya raw guardians of health batay sa regulations at sa payo ng mga medical experts.
Pero alamin natin kung ano nga ba ang nasa mga gamot na ating iniinom. Alamin din natin kung ang mga gamot na iyon ay nakatutulong ba o nakasasama.
Meron tayong tinatawag na ‘truth in advertising’ — yung dapat, ang kini-claim mo sa advertisement, 80 percent true, at 20 percent lang ang pambobola.
Sa dami ba naman ng flashy commercials! Halimbawa:
“Kahit itanong mo sa duktor!”
“TGPagpagaling ng Pilipinas!”
“Ingat na kitang kita, ingat na damang dama!”
“Unstoppable against Body Pain!”
Hulaan nyo na lang kung anong mga gamot yan.
Lahat ng taglines na yan ay nagpapakita ng virtues ng powerful medications, ngunit walang sinabi para lubusan nating maunawaan ang tunay na healthcare. Pero dapat nating malamang ang prescription drugs ay may kumplikadong mekanismo, side effects, at marahil, contraindications na kailangang alamin bago ito inumin.
In other words, aba, huwag padala sa advertisements. Iwasan ang self-prescription, na lagi nating ginagawa.
Nakagawian na nating kapag masakit ang ulo, inom agad ng paracetamol o aspirin. Kasi naman, ang mga prescription drugs, ina-advertise na parang kendi sa TV, kaya pati bata, akala, okay lang uminom ng gamot. Kung walang guidance ng healthcare provider, baka magkaproblema sa hinaharap.
May delikadong sayaw sa pagitan ng health products at prescription drugs. Marami rin kasing Pinoy na mahilig uminom ng mga dietary supplements, herbal remedies, at over-the-counter medications. Mukha silang harmless, ngunit kung may maintenance ka, baka magkaroon ng interaction sa prescription drugs.
Halimbawa, yung ninong ko na umiinom ng prescription blood thinner para sa sakit niya sa puso. Mahilig siyang uminom ng mga herbal supplement, at matagal na talaga niya itong ginagawa kahit noong wala pa siyang sakit sa puso. Katwiran niya, herbal lang naman.
Kaya lang, nag-interact pala ang supplement sa prescription drug, kaya ang resulta, bumaba ang kanyang potassium, jeopardizing his health.
Kung alam mo ang mga consequences, matututo lang mag-ingat.
Laging tandaan na kahit gaano pa kasimple ang sakit, mahalaga ang professional guidance. Kung nanghihinayang ka sa doctor’s fee, may libre naman.
Bawat barangay, may health unit at may naka-assign na duktor, nars, dentista at midwife. Kung medyo seryoso ang sakit, may mga libre ring ospital. Pero huwag talaga kayong magpanggap na duktor, na reresetahan ng gamot ang sarili.
JAYZL VILLAFANIA NEBRE