Like father, like son

Tulad ng kanyang amang si dating Senator Edgardo Angara (RIP), natalaga ngayon si Juan Edgardo “Sonny” Angara upang opisyal na mamuno officially sa Department of Education (DepEd) bilang kapalit ni Vice President Sara Duterte, na nagbitiw sa ahesya noong isang buwan.

Sa isang symbolic gesture sa simpleng turnover ceremony sa DepEd Complex sa Pasig City, ibinigay ng Vice President sa kanya ang DepEd Seal and Flag, tanda ng paglilipat ng pamunuan ng departamento.

Si dating senador Sonny ang ika-37 Education Secretary.e
Nangako siyang mas pagbubutihin pa ang sinimulan ni VP Sara, at gagawin umano niya ang lahat upang mas mapaganda ang Philippine education.

“Napakalaking karangalan po ang ipinagkaloob sa atin ni Pangulong Bong Bong Marcos upang maglingkod bilang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon,” ani Angara.

Dagdag pa niya: “Buong pagpapakumbaba kong tinatanggap ang katungkulang ito, bilang tugon sa tiwala at hamon ng ating Pangulo na higit na pag-ibayuhin ang mga programa na magsusulong sa mataas na kalidad ng karungan para sa ating mga mag-aaral.”

Nagbigay-parangal din si Angara sa mga nauna sa kanyang kalihim ng DepEd, at sa mga outgoing DepEd officials.

“Nais kong bigyan ng pagkilala sina Vice President Sara Z. Duterte at mga outgoing officials. Sa loob ng dalawang taon, kayo ang naging sandigan ng ating mga mag-aaral at ng mga guro sa panahon ng mga suliranin,” aniya.

Binigyang diin ni Angara ang kahalagahan ng building on existing efforts.

“We will build from what you have already started,” pagbibigay halaga niya sa mga nauna sa kanya.

Naniniwala naman ang DepEd community at iba pang stakeholders na magagampanang mabuti ni Angara ang pamumuno sa kanila.

Umaasang silang magkakaroon ng mga meaningful reforms and advancements sa Philippine education system sa pamumuno niya.

Tulad ng namayapang Sen. Edgardo Angara na naging kalihim naman ng Pagsasaka, naniniwala ang lahat na gagawin ni Secretary Sonny ang lahat upang mapagbuti ang kanyang trabaho. JAYZL VILLAFANIA NEBRE