(Lilikhain ng ‘BBB’) LIBO-LIBO PANG TRABAHO

UMAASA ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na makapagbibigay ng trabaho sa 17,000 hanggang 20,000 pang manggagawa sa construction industry ang ‘Build Build Build’ (BBB) program ng administrasyong Duterte.

“There were around 40,000 generated jobs and we expect to generate 17,000 to 20,000 more. We need to generate more employment to allow those economically affected by the pandemic to recover fast,” sabi ni DPWH Secretary Roger Mercado

“The BBB is felt by our people and they are very happy as shown in the trust rating of the DPWH at more than 70 percent and hope to further improve with the constant monitoring and management meetings as the people continue to feel the impact of the DPWH in their lives,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Mercado na marami pang  technical persons, masons, laborers, at iba pa ang kakailanganin sa programa, kabilang ang pagmamantine sa mga kalsada.

Sa datos ng gobyerno, may 6.5 milyong trabaho ang nilikha ng ‘Build Build Build’ program mula 2016 hanggang 2020.

Para sa taong 2021, may 1.6 milyong trabaho pa ang nilikha ng programa.

Ani Mercado, sa ilalim ng BBB program ay direktang lumilikha ng trabaho ang pamahalaan bukod pa sa hanapbuhay na nililikha mula sa indirect effects ng mga proyekto tulad ng mga negosyo.

“We will see to it that this program will redound to the benefit of our people at sana mapakinabangan ng ating mga kababayan (we hope that the people benefits from it), take advantage, make use of our highways, be innovative, plan any livelihood programs that can generate jobs not only the government giving jobs to our people but those who benefit from our infrastructure should also share in this social responsibility in providing jobs,” sabi pa ng opisyal.

Dahil sa dami ng road users, sinabi ni Mercado na nakapagpatupad din ang DPWH ng “ayuda” program kung saan naglalaan ang gobyerno ng pondo mula sa ipon nito para sa pag-hire ng mga taong naapektuhan ng pandemya.

“We have just released PHP1 million to our maintenance division so that we can hire more people for the ayuda program, as a food for work program which is a social responsibility project of the DPWH.” PNA