(Lilikhain ng gov’t, private sector) TRABAHO PA PARA SA MGA PINOY

Ramon Lopez

KAPWA nangako ang public at private sectors na patuloy na lilikha ng mga trabaho para sa INAAYOS ng mga vendor ang kanilang mga panindang prutas sa Buting, Pasig City. Walang naitalang pagtaas ng presyo rito. SCA mga Pinoy sa harap ng pagbangon ng bansa mula sa COVID-19 pandemic.

Sa 120th Labor Day Trabaho, Negosyo, Kabuhayan Job and Business fair sa Pampanga nitong Linggo, sinabi ni  Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na ang foreign direct investments (FDIs) na nakuha ng Pilipinas noong nakaraang taon ay lilikha ng mga karagdagang trabaho.

Naitala ng Pilipinas ang pinakamataas na FDI net inflows nito noong nakaraang taon na nagkakahalagang USD10.52 billion. Dahil dito ay lumundag ang bansa mula sixth sa fourth spot sa Southeast Asia na may pinakamalaking FDI.

Dagdag pa ni Lopez, ang annual average ng FDI net inflows sa ilalim ng Duterte administration ay lumago ng tatlong ulit sa USD9.1 billion kumpara sa annual average na USD3.5 billion ng nakaraang administrasyon.

“Ang ibig sabihin noon, ‘yang malaking investments na ‘yan nagta-translate sa trabaho. Nakita naman natin kung paano mabilis na maka-recover,” ayon sa kalihim.

Aniya, sa policy measures ng pamahalaan sa gitna ng global health at economic crisis, ang administrasyon ay tagumpay sa pagsalba ng mga buhay, trabaho at kabuhayan sa bansa.

Hinikayat din ng trade chief ang mga Pilipino, lalo na ang mga manggagawa na lumalabas na ng kanilang mga bahay at humaharap sa ‘new normal’ na magpaturok ng booster shots para maiwasan ang panibagong surge sa COVID-19 cases.

Noong nakaraang taon ay inilunsad ng pamahalaan ang National Employment Recovery Strategy (NERS), na responsible sa pagpapasigla ng trabaho sa gitna ng mga epekto ng COVID-19 sa employment at livelihood.