MAHIGIT tatlong milyong manggagawa ang kakailanganin ng pamahalaan para sa mahigit 70,000 infrastructure projects nito sa buong bansa hanggang 2028, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Base ito sa Labor and Employment Plan 2023 to 2028 na iprinisinta sa isang sectoral meeting sa Palasyo kahapon ng umaga.
Ayon kay DPWH Secretary Manny Bonoan, naglaan sila ng budget na mahigit P800 billion.
“This is just the start of the big infrastructure development program of the country because we are going to… ang target nga natin is to spend, I think, about anywhere between 5-6% of the GDP (gross domestic product),” pahayag niya sa isang briefing.
“And by next year, we will be implementing iyong mega projects of the government, so all the more that we will need iyong mga skilled labors in the force para sa public sector infrastructure program,” dagdag ni Bonoan.
Makikipagpartner ang DPWH sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagkuha ng skilled at unskilled workers.