(Lilikhain ng investment deals sa Indo, Singapore state visits)LIBO-LIBONG TRABAHO

TINATAYANG lilikha ng mahigit sa 22,000 trabaho ang USD14.36 billion (PHP804.78 billion) na investments na nakuha mula sa state visits sa Indonesia at Singapore, ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual.

Si Pascual, kasama ang economic managers ng bansa, ay sinamahan si Presidente Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang state visit sa Indonesia at Singapore mula September 4 hanggang 7.

Ayon sa Pangulo, ang Philippine delegation ay nakapagselyo ng kabuuang 10 Letters of Intent (LOI) at 12 Memorandums of Understanding (MOU) sa 22 Indonesian at Singapore investors sa mga sektor ng renewable energy, data centers, e-commerce, broadband technology, start-ups, government housing, at agriculture.

“These investments, if we put it all together, value USD14.36 billion or PHP804.78 billion. This will support our country’s economic recovery efforts and create more jobs for Filipinos here in our country,” sabi ni PBBM, na inilarawan ang kanyang back-to-back visits sa Indonesia at Singapore na sulit.

Sa ngalan ng bansa, lumagda si Pascual sa MOU for Cooperation in the Development and Promotion of the Creative Economy sa Indonesia. Ang MOU ay inaasahang lilikha ng mga trabaho sa creative sector ng bansa.

Sa kanyang talumpati sa Philippine Economic Briefing sa Singapore, binigyang-diin ni Pascual ang bagong bisyon ng bagong administrasyon na isang ekonomiya na itinutulak ng science, technology, and innovation (STI).

“We will build a dynamic industry ecosystem that would generate quality and higher-paying jobs, advance environmental sustainability, and ensure shared prosperity for all,” pahayag ng trade chief sa bankers at businessmen sa Singapore.