IDINEPENSA nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) agreement.
Sa interpellations sa Senado, binigyang-diin ng dalawang mambabatas ang mga inaasahang benepisyo ng kasunduan sa bansa, sa sandaling sang-ayunan at ratipikahan ito ng mataa na kapulungan.
Sa tanong sa trabahong lilikhain sa ilalim ng kasunduan, sinabi ni Zubiri na ang RCEP ay inaasahang magbubunga ng 1.4 milyong trabaho sa 2031— isang conservative estimate na tinukoy sa isang pag-aaral na isinagawa ni Dr. Caesar Cororaton.
Sa naturang numero, 308,000 jobs ang inaahang malilikha sa agriculture, 77,000 sa industries, at 991,000 sa services.
Iniulat din niya na ang hindi paglahok sa RCEP ay inaasahang magreresulta sa -0.26 percent decrease sa real GDP, ayon sa pag-aaral ni Dr. Francis Quimba.
Ang paglahok sa kasunduan ay inaasahan namang magdudulot ng 2.02 percent increase sa GDP.
“Maiiwanan tayo sa foreign direct investments. Magkakaroon ng trade diversion. Kung hindi tayo sasali sa RCEP, sa ibang bansa pupunta ang investors, dahil mas malawak na ang kanilang merkado,” paliwanag ni Zubiri.
“Sa damit, tayo dati ang pinakamalaking garment industry sa rehiyon. Ngayon Made in Cambodia, Made in Laos na—lalo na ngayong nasa RCEP sila. Mas mura na ang kanilang materials under RCEP, at mas mataas ang tariff rate natin. These are lost opportunities for us,” aniya.
“Pero kaya natin silang habulin, with RCEP.”
Iginiit din niya na mananatiling protektado ang sektor ng agrikultura.
“Excluded po ang major Philippine agriculture products sa RCEP. Hindi nagalaw at hindi bababa ang taripa nitong mga ito.”
Ang agricultural goods na hindi kasali sa RCEP ay swine meat; edible offal of bovine, swine, sheep, goats, horses, asses, at mules; poultry meat; potatoes; onions, garlic, at iba pang alliaceous vegetables; cabbages, cauliflowers at similar edible brassicas; carrots; cassava; lettuce; sweet potatoes; coffee at instant coffee; corn; rice; cereal; grains; iba pang prepared o preserved meat; tunas sa airtight containers; sugar; at feed for animals.
LIZA SORIANO