(Lilikhain sa Boracay casinos) LIBO-LIBONG TRABAHO

INAASAHANG makaaakit ng high-end tourists at players at lilikha ng libo-libong trabaho ang planong casinos sa Boracay, ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corp (PAGCOR).

Sa gitna ng pagtutol ng mga residente ng Boracay, sinabi ng gaming regulator ng bansa na ang pagtatayo ng casinos ay makabubuti para sa isla.

“If you saw the development in these two areas, you would imagine that they are really really maybe a hundred times better than the small little little stalls that actually overcrowd the main island right after the beaches,” pahayag ni PAGCOR chair Andrea Domingo.

Ayon kay Domingo, ang Newcoast casino ay inaasahang magpapasok ng  2,500 hanggang 3,000 halos foreign tourists kada linggo, kung saan ang mga kliyente nito ay magmumula sa mga pasahero ng Genting Cruises.

Aniya, ang Newcoast casino ay nagkakahalaga ng  P19 billion, at nakahanda na umano ang kompanya na magpasok ng gaming machines at equipment bago ipinagbawal ni Presidente Rodrigo Duterte ang casinos sa Boracay kasunod ng rehabilitasyon nito.

Ang Newcoast ay inaasahang lilikha ng 10,000 trabaho, ayon kay Domingo.

Samantala, ang Galaxy ay mag-iinvest ng $500 million o P25 billion para magtayo ng casino sa Boracay.

Makaraang ipagbawal ni Duterte noong 2018 ay nagbago ang isip nito at sinabing papayagan na niya ang casinos sa Boracay dahil kailangan ng gobyerno ng karagdagang pondo.

160 thoughts on “(Lilikhain sa Boracay casinos) LIBO-LIBONG TRABAHO”

  1. 393123 531774BTW, and I hope we do not drag this too long, but care to remind us just what kind of weapons were being used on Kurds by Saddams army? Towards the tune of hundreds of thousands of dead Speak about re-written history 341344

Comments are closed.