(Lilikumin ni Duterte) DAGDAG NA P10-B SA MGA BIKTIMA NI ‘ODETTE’

NANGAKO si Pangulong Rodrigo Duterte na lilikom ng P10 bilyon para sa mga biktima ng bagyong “Odette.”

Ayon kay Acting presidential Spokesperson Karlo Nograles, dagdag na sampung bilyong piso ang ipinangako ng Pangulo para sa rehabilitation and recovery efforts sa mga lugar na winasak ng bagyo.

“Our thoughts and prayers are with all the families affected by this natural calamity,” dagdag ng opisyal.

Bumisita si Duterte sa mga nabiktima ng bagyo sa Kabankalan City, Negros Occidental kamakailan.

“The President was given a situation briefing by Negros Occidental Governor Eugenio Jose ‘Bong’ Lacson, after which the President provided guidance and issued several directives to national agencies to address the immediate concerns of the local governments of Negros Occidental and Negros Oriental,” dagdag ni Nograles.

Una nang sinabi ni Duterte na hirap ang gobyerno sa pera dahil sa mga nagastos sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Patuloy ang Department of Social Welfare and Development sa pagkakaloob ng family food packs, inuming tubig, at pansamantalang masisilungan ng mga pamilyang nawalan ng tahanan.

Samantala, tutulong naman ang Department of Human Settlements and Urban Development at National Housing Authority sa mga nasira ang bahay habang
Sinabi ni Nograles na kumilos ang Department of Trade and Industry sa mga ulat ng mataas na presyon ng bilihin tulad ng mga generator na dumoble umano ang presyo matapos ang kalamidad.

Magbibigay naman ng tulong ang Department of Agriculture sa mga magsasaka at mangingisda na nawalan ng kabuhayan.

Kumikilos na rin ang Department of Public Works and Highways sa pagsasaayos ng mga kalsada na hindi madaanan dahil sa mga nagbagsakang puno.

Nakatutok naman ang Department of Energy at Department of Information and Communications Technology, upang maibalik ang suplay ng koryente at komunikasyon sa mga apektadong lugar.

“In addition to these directives, the Chief Executive gave instructions to immediately complete the construction of the Kabankalan airstrip,” dagdag pa ni Nograles.EQ