(Lilinawin sa Kamara) 25% BUWIS SA PRIVATE SCHOOLS

Rufus Rodriguez

BIBIGYANG-LINAW sa Kamara ang ginagawang pagbubuwis ngayon sa mga pribadong paaralan sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Law na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nito lamang Marso.

Ito ay kasunod na rin ng pag-iisyu ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng regulation na patawan ng 25% tax ang mga proprietary o private schools.

Inihain ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez ang House Bill 9577 para linawin na ang preferential tax rate na 10% ay ibinaba sa 1% mula July 1, 2020 hanggang June 30, 2023 at ina-apply ito sa lahat ng proprietary educational institutions.

Inaamyendahan ng panukala ang Section 27 (B) ng National Internal Revenue Code (NIRC).

“This bill seeks to make it clear that the preferential tax rate of 10 percent (reduced to one percent from July 1, 2020 to June 30, 2023), applies to proprietary educational institutions, by amending the first sentence of Section 27 (B) of the National Internal Revenue Code (NIRC), “ paglilinaw ni Rodriguez.

Nagbabala si Rodriguez na ilegal ang ginawang pagpapataw ng BIR ng mataas na buwis at posibleng mapilitan na lamang ang mga pribadong paaralan na magsara.

Umaasa ang mambabatas na malilinawan din ang BIR sa intensiyon  ng CREATE Law na tulungan ang mga private school, lalo ngayong nahaharap ang bansa sa pandemya.

Batay sa datos ng Department of Education (DedEd), bumaba sa 900,000 ang mga mag-aaral na nag-enroll sa pribadong K-12 schools para sa School Year 2020-2021.

Bukod dito, kalahati na rin sa mga miyembro ng Coordinating Council of Private Educational Associations ang nakaranas ng pagbaba sa bilang ng mga estudyanteng nag-e-enroll.  CONDE BATAC

85 thoughts on “(Lilinawin sa Kamara) 25% BUWIS SA PRIVATE SCHOOLS”

  1. The following time I read a weblog, I hope that it doesnt disappoint me as a lot as this one. I mean, I do know it was my option to read, but I really thought youd have one thing attention-grabbing to say. All I hear is a bunch of whining about one thing that you could possibly repair if you happen to werent too busy in search of attention.

  2. Pretty great post. I simply stumbled upon your weblog and wished to say that I’ve truly loved surfing around your blog posts. In any case I?ll be subscribing to your rss feed and I am hoping you write again soon!

  3. Thanks for the ideas you have provided here. Additionally, I believe there are a few factors that will keep your insurance premium down. One is, to take into consideration buying cars and trucks that are inside good list of car insurance corporations. Cars which are expensive will be more at risk of being stolen. Aside from that insurance policies are also using the value of your vehicle, so the more costly it is, then the higher this premium you make payment for.

Comments are closed.