LILO EIGENMANN YOUNGEST SURFING AWARDEE

Nakuha ng limang taong gulang na anak nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo ang youngest surfer award sa katatapos na surfing competition na isinagawa sa Siargao. Si Lilo ang pinakabata sa mga contestant.

Kahit pinakabata, nagpakita si Lilo ng kakaibang surfing skills sa 3rd Mayor Sol’s invitational surfing competition noong October 7.

Ipinagmalaki ni Alipayo sa Instagram ang kanyang anak pati na ang participation certificate at youngest surfer award.

 RLVN