Malaking paghamon ang Ginawa ng Pangulo…
Sa gusto niyang bilis ng trapiko
Mula Cubao hanggang Makati…
Bagtasin Lang daw ng limang Minuto!
Naging Sentro ito ng mga Argumento…
Ang hangad daw ng Pangulo ay Milagro…
Sa dami ng mga sasakyan na sa EDSA ay tumatakbo…
Dahilan araw-araw ng mabigat na trapiko!
Gayunman… Hamon ng Pangulo ay Susubukin…
Ang Highway Patrol Group ay kumilos na rin…
Katuwang ang MMDA sa Planong gagawin…
Cubao hangang Makati ay tila paglalapitin
Ang bilang ng Kay raming mga sasakyan ang unang dahilan…
Kaya nga usad pagong, Daloy Nito sa EDSA na lansangan.
Idagdag pa ang mga driver na nag-uunahan…
Nagreresulta ng aksidenteng kadalasan.
Ang progreso raw ay nakasalalay sa transportasyon at trapiko…
Ang kalakalan ay dumadaloy nang maayos paroon at parito…
Kaya nga ito ang iginigiit ng Pangulo…
Bagama’t patutsada niya lamang ito…
Sana nga ay makuha ng ginagawang Eksperimento.
Sa pagitan ng Cubao at Makati mangyari nawa ang Milagro!
(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)
Comments are closed.