(Limang nanganak tinulungan ng mga pulis) BABY URSULA, HILUX INILUWAL SA KASAGSAGAN NG BAGYO

nanganak

BILIRAN – MAAYOS at ligtas na nakapanganak ang limang buntis sa Biliran habang nananalasa ang Bagyong Ursula matapos na tulungan ng mga pulis kasama rin si Biliran Municipal Mayor Rhodessa Revita.

Ayon kay PNP-Region 8 Spokesperson LtCol Ma. Bella Rentuaya, una nilang natulungan sa panganganak ang ginang na si Jene­rose Aragon sa Caibiran, Biliran, pasado ala-1 nang madaling araw nitong araw ng Pasko.

Nanganak ito sa tulong ng isang nurse na secretary ni Mayor Revita.

Pinangalan ang sanggol na Mary Ursula Sulayao.

Sa Brgy. Manlabang, Caibiran naman isang Joy Blanquer ang na­nganak na natulungan din ng mga pulis, pinangalanan itong Christian Hilux Blanquer sakay kasi ng Toyota Hilux ang mga pulis nang madaanan ang buntis.

Sa Brgy. Villavicenta, Caibiran, isa ring buntis na kinilalang si Mari­lou Regir ang natulungang manganak matapos na agad maihatid sa rural health unit. Nanganak si Marilou ng lalaki.

Sa Sitio Andrade, Brgy. Asug nanganak din ang isang Mary Grace Bacalando matapos tulungan ng mga pulis na makarating sa Caibiran rural health unit, nanganak ito ng isang babae.

Sa  Brgy. Bariis, Caibiran na­nganak nang maayos matapos matulungan ng mga pulis ang isang Ca­therine Mae Esmeralda na nanganak ng lalaki at pinangalanang Clyde Andrei Esmeralda.

Kinilala ang mga police officer na tumulong sa mga buntis na sina Police Major Dinvir Revita, at Police Major Jorge Meneses III. REA SARMIENTO

Comments are closed.