BENGUET – NI-LOCKDOWN kahapon ang himpilan ng pulisya sa bayan ng Tublay sa lalawigang ito makaraang magpositibo sa COVID-19 ang limang baguhang pulis na nakatalaga sa nasabing police station.
Kabilang sa nagpositibo sa virus ay ang 25-anyos na pulis na sinasabing asymptomatic at walang history na nag-travel sa ibang lugar o nakisalamuha sa COVID-19 patient.
Nagpositibo rin sa virus ang 26-anyos na police officer na asymptomatic at wala ring history na nag-travel at hindi rin nakipag-usap sa COVID-19 patient.
Gayundin ang 30-anyos na pulis ay nagpositibo rin sa COVID-19 subalit na walang anumang sintomas ng virus at hindi nag-travel sa ibang lugar habang ang 24-anyos at 23-anyos na kapwa pulis na asymptomatic at walang travel history o nakisalamuha sa COVID -19 patient ay nagpositibo rin sa virus
Dahil dito, mananatiling naka-lockdown ang nasabing police station habang nasa isolation quarantine facility naman ang limang nasabing pulis. MHAR BASCO
Comments are closed.