LIMIT NG CAAP SA SEAFARERS KINONDENA

Emmanuel Geslani

KINONDENA ni recruitment consultant migration expert, Emmanuel Geslani  ang  kautusan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kaugnay sa paglimita sa 400 seafarers ang sakay ng  mga inbound chartered flights na lalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Geslani, sagabal itosa karapatan ng mga OFW na makauwi sa bansa at kanyang tinawag na “Roadblock” dahil sa halip na sabakanyay-sabay na makauwi ang tinatayang 30,000 seafarers ay bibilang ng araw o buwan bago makauwi ang mga stranded seafarers sa US Coast at Europe.

Ang nasabing bilang aniya ay stranded sa US East Coast ay ang mga crew ng cruise ships operators ng Carnival, Royal Caribbean, Celebrity, Costa at princess lines na naka base sa East Coast.

Dapat aniya alisin sa lalong madaling panahon ang limitasyon na ito upang makauwi sa kanilang mga pamliya ang libu-libong OFW habang binabagabag ang buong mundo ng sakti na ito. FROI MORALLOS

Comments are closed.