DAHIL sa limitasyon ng flight arrival sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bunsod ng COVID-19 pandemic, sa Subic Bay International Airport (SBIA) sa Olongapo City lumapag ang Philippine Airlines (PAL) flight PR 683 galing sa Dammam Kingdom of Saudi Arabia (KSA).
Lulan nito ang 297 repatriated Overseas Contract Workers (OFWs) na nawalan ng trabaho sa Saudi, matapos magsipagsara ang kanilang mga employer dahil sa coronavirus.
Dumating ang naturang flight sa SBIA dakong alas 10:54 ng umaga at agad na dinala ang mga OFW sa quarantine facilities , upang sumailalim ng 14 day quarantine.
Ayon kay PAL Spokesperson Ceilo Villaluna, karamihan sa kanilang mga flight na galing sa Saudi ay ida-divert sa SBIA habang limitado ang flight na pinapayagan sa NAIA. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.