LIMITADONG FACE TO FACE CLASSES SA MGA LUGAR NA ZERO COVID

Francis Tolentino

ISINUSULONG ni Senador Francis “Tol” Tolentino ang pagkakaroon ng limitadong face-to face classes sa mga island province sa bansa na walang kaso ng CO­VID-19 sa pagbubukas ng klase sa Setyembre.

Sinabi ni Tolentino, na ilang island provinces tulad ng Guimaras, Bi­liran, Batanes at Camiguin na mayroong zero COVID-19 infection rate ay dapat payagan ng national government na magsimula ng face to face classes para sa mga estudyante habang pinaiiral pa rin ang minimum health protocol guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Idinagdag pa ng senador na mayroong dapat ilang mga lugar sa kapuluan ng bansa ang dapat payagan na ang face to face classes at hindi na dapat pa umasa lang sa kasaluku­yang blended learning curricu­lum na ipinapatupad ng Department of Education (DepEd) dahil hindi naman ito epektibo dulot na rin ng problema sa internet connections.

Iginiit pa ni Tolentino  na karamihan na rin naman sa mga guro ay nabakunahan kaya dapat ikonsidera ng gob­yerno ang dahan dahang pagbubukas ng face to face classes sa mga ligtas na lugar sa bansa sa COVID-19.

Nauna nang inanunsiyo ni DepEd Secretary Leonor Briones na magsisimula ang school year 2021-2022  sa Setyembre 13 sa gitna ng banta ng Delta variant  strain  ng COVID-19 virus. LIZA SORIANO

4 thoughts on “LIMITADONG FACE TO FACE CLASSES SA MGA LUGAR NA ZERO COVID”

  1. 890936 44598Excellently written post, doubts all bloggers offered the identical content material since you, the internet has to be far much better location. Please stay the most effective! 663304

  2. 51092 294903Youre so cool! I dont suppose Ive read anything in this way before. So good to locate somebody by original thoughts on this topic. realy thanks for beginning this up. this fabulous site is 1 thing that is required on the internet, a person with a bit of originality. beneficial project for bringing a new challenge towards internet! 1558

Comments are closed.