WALA kaming kamalay-malay habang nasa Tokyo, Japan! Lumindol pala sa Filipinas at huli na nang aming malaman. Abala kami sa pictorial para sa DMI event at enjoy sa role playing. Pagbalik namin sa hotel ay punumpuno na ng prayer messages ang aming mobile phones. “Ligtas sana ang aming pamilya!” dasal ng lahat.
Niyanig pala ng magnitude 6.1 na lindol ang Luzon, alas 5:11 ng hapon, Lunes. Itinaas ito mula sa naunang balitang 5.7 magni-tude na lindol na nagmula sa Zambales. Marami ang natakot. May ilang nag-panic. Dali-daling lumabas ng kani-kanilang mga bahay at opisina ang mga residente at empleyado sa iba’t ibang bahagi ng Luzon matapos ang insidente. Karamihan ay nagtatakbuhan at tila ba nalimutan na ang inensayong emergency drills. Matapos ang ilang minuto ay napabalita ang pinsalang tinamo ng Clark Inter-national Airport sa Pampanga.
PINSALA NG LINDOL
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) narito ang iba’t ibang intensities sa Luzon:
Intensity 5:
- San Felipe, Zambales
- Malolos, Bulacan
- Quezon City
- Lipa, Batangas
- City of Manila
- Abucay, Bataan
- Valenzuela City
- Magalang, Pampanga
Intensity 4:
- Pasig City
- Makati City
- Caloocan City
- Meycauayan, Bulacan
- Floridablanca, Pampanga
- Villasis, Pangasinan
- Tagaytay City
- Villasis, Pangasinan
- Baguio City
- Marikina City
- Las Piñas City
Intensity 3:
- Dasmarinas, Cavite
- Lucban, Quezon
- Muntinlupa City,
- Cabanatuan City
- Talavera, Nueva Ecija
Mahigit 400 aftershocks ang naitala matapos ang lindol. Iniulat ng Philippine Institute for Volcanology and Seismology (PHILVOLCS) na umabot na sa 447 ang recorded aftershocks. Maaaring magpatuloy pa raw ang mga aftershocks sa susunod na 3 hanggang 4 na buwan. Ibig sabihin, kailangan ng lahat na maging handa. Alam naman natin na kabilang ang Filipinas sa sinasabing “ring of fire” dito sa Asya. Gayundin, may malaking “faultline” na tagusan sa buong Metro Manila na maaaring magdulot ng pag-guho ng lupa. Perhaps we should stop focusing on the elections muna at napakaraming “hate” posts sa social media. Ito ang panahon ng pagkakaisa para sa kaligtasan ng lahat. Let us learn from the Japanese.
LINDOL SA JAPAN 2011
Mahirap malimutan ang ating napanood sa TV noong March 11th, 2011 kung saan tinamaan ang Japan ng 7.9 magnitude na lindol. Tumaas pa ito ng 8.1 sa mga baybaying dagat kaya’t nagdulot ito ng mapaminsalang Tsunami.
Naglutangan ang mga bahay at sasakyan dahil sa rumaragasang alon na halos 30 meters ang taas. More than 20,000 people died, making it one of the most deadly natural disasters in history. Nagluksa ang maraming pamilya.
The tsunami caused meltdowns in Fukushima nuclear power plants in 3 of the 6 reactors and releasing record amounts of radia-tion. Their former Prime Minister admitted he considered evacuating 50 million people. Eventually, 160,000 people had to leave their homes for safety reasons. Ngunit hindi nagtagal at muli ang Japan ay maayos na nakabangon after only 3 years. Ilang taon na ba ang Yolanda at hanggang ngayon ay hindi pa makita ang resulta ng naging donasyon sa nakaraang administrasyon?
THE JAPANESE WAY
Actually hindi ako makapaniwala na these same people ang lumusob at sumakop sa ating bansa noong unang panahon. Na-pakagagalang nila. Yumuyuko pa ng paulit-ulit para magpasalamat. Tutulungan ka pang hanapin sa Google map ang pupuntahan mo kung naliligaw ka. Nakapanayam ko ang isa at ako’y nagtanong sa kanilang emergency drills.
“Nobu-san, how are you assured that your children are safe in case there is another earthquake?” tanong ko matapos mahi-masmasan na ligtas ang sarili kong pamilya.
“We teach children to hide under their desks. We have very strong metal desks. They have to stay there until all is safe,” sagot niya.
“Paktay,” sa luob-loob ko. Kahoy ang mga school desks natin at marami roon ay halos durog na. “Paano mapuprotektahan nu’n ang ating mga bata?”
Dagdag pa ni Nobu-san, “We also teach adults to run up the building instead of down in case they are trapped in tall condomini-ums. This will prevent them from getting crushed.”
Hala. Iba naman sa atin. Karamihan ay nagtatakbuhan pababa patungo sa labas habang nagsisigawan.
“We have much to learn from your people,” pag-amin ko sa kanya.
“Aregato gozaimase,” nakangiti niyang pagyukod habang nagpapaalam.
THE BIG ONE
Japan sits in what may be one of the most dangerous places possible when it comes to earthquakes. Kaya sanay at nakapaghan-da na sila. The northern part of the country lies on a piece of the North American plate, whereas the southern part of the country sits on the Eurasian plate.
The Pacific plate is sliding underneath the North American plate. The Eurasian plate is riding over the Philippine Sea plate. When one plate moves, the movement can trigger an earthquake and tsunami. That means one way or another, kasama tayo sa mga darating na lindol na ‘yun! Kailangan natin itong paghandaan.
*Quotes
“Experts have been saying for a while now that the 100-kilometric Marikina West Valley Fault is ripe for movement any time. Let us pray for God’s deliverance.”
– The Big One
Salamat po sa pagsubaybay sa ating artikulo tuwing Lunes. Para sa mga dagdag ninyong katanungan, maaari po kayong makinig sa DWIZ 882 khz every Sunday at 11am sa programang Kalusugang Ka-BILIB or text sa (0999) 414 5144 or visit our Facebook account: lebien medical wellness. God bless dear readers!
Comments are closed.