HALOS magkasabay ang naging shake drill ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at 5.4 magnitude earthquake kahapon ng madaling araw.
Magugunitang nag-anunsiyo ang MMDA ng kanilang earthquake drill kahapon ng alas-4 ng madaling araw.
Walo katao ang naiulat na nasawi at 60 naman ang sugatan matapos ang magnitude 5.4 earthquake na tumama sa Batanes.
Sa ulat na ipinarating ng Phivolcs-DOST sa National Disastet Risk Reduction Management Council, alas-4:16 ng madaling araw ng Sabado.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 12 kilometro Hilagang-Silangan ng Itbayat, Batanes. May lalim ang pagyanig na 12 kilometro.
Ayon sa Phivolcs, naramdaman ang Intensity VI sa Itbayat, Batanes, Intensity III naman sa Basco at Sabtang, Batanes.
Nagbabala ang ahensiya sa posibilidad na pagkasira ng mga ari-arian at nag-abiso rin sa magaganap pang aftershocks.
Tectonic ang pinagmulan ng dalawang pagyanig. Ayon sa inisyal na report na ibinahagi ni Batanes, Itbayat town Mayor Raul De Sagon, ilang oras matapos ang lindol ay may walo katao na ang nasawi.
Natutulog ang mga biktima nang matabunan sila matapos na gumuho ang kanilang bahay sa Brgy. Santa Maria. VERLIN RUIZ
Comments are closed.