‘LINGAP’ NG INC SA U.S.

Aid to Humanity-2

Paghahatid ng tulong mas pinalawak

“ANG Iglesia Ni Cristo ay mas pinalawak pa ang kampanya laban sa kahirapan sa buong mundo, kung kaya ngayong Agosto ay tinutukan namin ang pag­hahatid ng tulong sa Amerika.”

Ito ang sinabi ni Executive Minister Eduardo V. Manalo matapos ang isang buwang serye ng “Lingap sa Mamamayan-Aid to Humanity” drive sa US mainland, na sini­mulan noong ika-11 at ika-12 ng Agosto sa New York at Washington DC at nagtapos sa Rockford, Illinois noong ika-25 ng Agosto.

Nagdaos din ng Lingap sa mga sumusunod na lugar: Seattle, Washington (Agosto 14), Memphis, Ten-nessee (Agosto 16), Oak-land, California (Agosto 17), San Carlos, Arizona (Agosto 19), San Diego, Cali-fornia (Agosto 23) at Los Angeles, California (Agosto 24)

Ang mga Lingap at Aid to Humanity programs ay isinasagawa sa ilalim ng pangangasiwa ng Felix Y. Manalo Foundation.

Ang pambungad na aktibidad sa NYC at US capital ay nagbahagi ng 4,000 “goodwill bags” na naglalaman ng mga ga­mit pang-eskuwela, mga pagkaing de-lata, ka­gamitang pang-banyo at iba pang pangan-gaila­ngan sa loob ng bahay sa libo-libong dumalo, gayundin ang pamamahagi ng cash gifts sa mga or-ganisasyon at shelter-partners. Bawat grupo ay tumanggap ng ayudang $10,000. Na-cover din ng local media ang mga event.

Sa pagtaya ni Glicerio B. Santos Jr., INC Auditor General, ngayong taon ay mas malaki ang kanilang pon-do para sa aid caravan kumpara sa inisyal nilang inilaan noong nakaraang taon sa Hilagang Amerika, da-hil mas marami silang target na lugar na paghahati-ran ng tulong kaya inaasahan na tataas rin ang bilang ng mga makatatanggap nito.

Aabot sa humigit kumulang 16,000 benepisyaryo ang dumalo at nakinabang sa mga coast to coast na events.

Ang mga pagtitipon ay bukas para sa lahat, mapabata man o matanda kung saan mamahagi ng maraming pagkain, first aid kits, school supplies, at katatampukan din ito ng mga palabas, libreng medi-cal check-up sa mga nakatatanda, face-painting at balloon-making segments para sa mga bata.

“Ang ating mga recipient ay mula sa iba’t ibang sektor gaya ng Girl Scout, theater groups, kapulisan at mga bumbero hanggang sa mga walang tirahan at matatanda. Halimbawa na lang sa ginanap na Lingap sa San Carlos, Arizona, dumalo ang mga miyembro ng Native American Apache groups,” pahayag ng Auditor General ng INC.

“Ipinakiusap din ng Philippine Consular Office sa Los Angeles sa magkaroon ng special Lingap activities para sa Fil-Am World War II veterans, kaya isinagawa rin natin ito,” dagdag pa ni Santos, Jr.

Bahagi rin ng mga nakalipas na Lingap ang maikling palabas (film showing) o dokumentar­yo ng matagumpay na paghahatid ng tulong ng INC sa Amerika, Europe, Africa, Asia, Middle East at Australia-New Zealand.

Matatandaan na noong nakaraang Mayo, ang INC ay nagbigay tulong sa mga nanga­ngailangan at mahihirap na mamamayan ng Montreal, Winnipeg, Ottawa, Toronto, Edmonton at Vancouver, Canada.

Sa huling mga buwan ng 2018 at unang bahagi ng 2019 din ay umarangkada ang Aid to Humanity at Lin-gap sa mamamayan sa Taiwan, Thailand, Macau at Hongkong kung saan halos 8,000 Overseas Filipino Workers ang dumalo.

“Ang INC ay nagbibigay ng ayuda sa kahit ano pa mang nasyunalidad, kasarian, kinaanibang relihiyon at politika. Bahagi ito ng hangarin ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, na matulungan ang mga kaanib at hindi pa kaanib sa Iglesia Ni Cristo na makaahon sa kahirapan. Ginagawa namin ang lahat upang matagumpay na makapaghatid ng tulong, materyal man at espiritwal para maipakita na ang Lingap ay unique,” paliwanag ni Santos.

Comments are closed.