LINGAP OUTREACH NG INC SA OFWs PINALAWAK PA SA ASYA

IGLESIA NI CRISTO-3

NADAGDAGAN  na naman ng mga bagong lokasyong nabigyan ng paglilingkod ang natatanging outreach program na Lingap sa Mamamayan ng Iglesia Ni Cristo (INC)  na isinasagawa sa Filipinas at ibayong dagat, sa isinakatuparang mga aktibidad sa Taiwan, Thailand, Malaysia, Macau at sa Hong Kong na katatapos lamang.

Nagsagawa ng mga Lingap sa Kuala Lumpur noong Oktubre 28, 2018, sa dalawang lokasyon sa Taipei at Kaohsiung  noong ­Nobyembre 18 at 25, 2018, sa Bangkok noong ika-13 ng Enero, sa Macau noong ika-20 ng buwang kasalukuyan at ngayong Linggo, ika-27 ng Enero sa Hong Kong.

“Sa isinagawang mga Lingap sa labas ng bansa, ipinaabot namin ito sa ating mga kababayang OFW.  Nakakalat ang ating mga kababa­yan sa mga karatig-bansa dito sa Southeast at Northeast Asia, ngunit bihira silang magkita-kita bilang isang mala­king komunidad ng mga Filipino. Ito ang aming naging layunin at aming naisakatuparan sa pamamagitan ng Lingap sa OFW,”  ayon kay INC General Auditor Glicerio B. Santos Jr.

Ang Lingap sa Asya ay ibinunsod ng hangarin ni INC Executive Minister Eduardo V. Manalo tungo sa patuloy na pagbibigay ng konkreto, epektibo at kinakailangang tulong sa mga Filipino  na  nasa ibang bansa na nagsasakripisyo para sa kanilang mga nai-wang pamilya.

Binigyang-diin din ng General Auditor ng INC na sa kanilang pagsasakatuparan sa hangarin ni Manalo para sa mga Filipinong nasa ibang bansa, sinadya nilang isagawa ang mga ito sa malalawak na lokasyon na ­maaaring magpatuloy sa mas ma­raming OFW.

Ang mga Lingap sa Taiwan ay isinagawa sa Hua Nan Bank International Convention Center at sa Kaohsiung International Trade and Exhibition Center. Sa Macau at Thailand, ang Sheraton hotels ang nagsilbing lokasyon ng nasabing proyekto at sa Majes-tic Hotel naman ginawa ang Lingap sa Kuala Lumpur sa Malaysia.

Halos isang libong mga Filipino ang dumalo sa Lingap na ginawa sa mga lokasyon sa Taiwan, Thailand, Malaysia at Macau, samantalang umabot sa 3,000 naman ang dumalo sa Lingap sa Hong Kong.

Libreng  “goodwill bags” na naglalaman ng mga pagkain at mga produktong panlinis sa katawan ang ipinamigay sa lahat ng nabanggit na lugar sa ibayong dagat.

“Pinasalamatan ng ating mga kababayan ang pagpapaabot ng kanilang mga pangangailangang emosyonal at espiritwal na ibi-nigay ng Lingap sa nasabing mga pagtitipon. Ang pakikiisa at ang pagkakataong makasalamuha ang mga kapwa-Filipino para sa kanila ay kasing halaga ng mga tulong na kanilang natanggap. Kaakibat ng pangingibang-bayan ang kalungkutan. Hinahanap-hanap ang makapiling ang mga kababayan tuwing may pagkakataon,” pagbibigay-diin pa ni Santos.

Noong 2018, lalo pang pinaigting ng INC, sa pamamagitan ng Felix Y. Manalo Foundation, ang mga proyektong Lingap sa ibang bansa. Dalawang kauna-unahang proyekto na “Aid To Humanity, Fight Poverty” ang isinagawa sa Long Island, New York at sa Hartford, Connecticut sa Estados Unidos noong Setyembre.

Sa nasabi ring buwan, nabiyayaan ang Toronto, Canada ng sabayang pagsasagawa ng Aid to Humanity na nakatuon sa nakata-tanda, mga kababaihan, mga bata at sa mga lahing dayuhan sa iba’t ibang mga bahay-tuluyan sa nasabing lungsod sa North Amer-ica.

Ang mga dumalo at nakilahok sa mga lokasyon sa Canada ay nakatanggap ng  may 4,000 “goodwill bags.”

Ngayong taon, ang plano ng INC ay magsagawa ng ­Lingap sa iba’t ibang mga lokasyon sa Europa, Africa, Middle East at Aus-tralia kasabay ng pagpapatuloy sa mga nasimulang inisyatibo na kinasanayan na sa North America.

“Patuloy ang aming pagpapaigting sa mga Lingap upang maging makabuluhan dito at sa buong mundo. Ang aming pagpili ng mga lokasyon at pagtugon sa mga nabibiyayaan ay hindi nakabatay sa kung ano ang relihiyon nila o pampulitikang paniniwala, ngunit nakaangkla sa partikular na pangangailangan ng mga komunidad,” giit ng INC General Auditor.

“Matutunghayan nga­yong taon ang mas malaki at mas ­pinaigting pang mga programa dito sa Filipinas at sa ibayong dagat. Ito ang maliit na ambag ng Iglesia Ni Cristo, ang aming pagbabalik-biyaya, bilang bahagi ng aming misyon tungo sa positibong pagtagu­yod sa buhay ng mga tao, pagtugon sa kanilang pangangailangan, at pag-angat sa dignidad at lakas sa paraan ng pakikiisa sa kanila.”

Comments are closed.