ni Eunice Celario
NAGING matagumpay ang Lingayen Bagoong Festival sa Pangasinan sa pangunguna ni Mayor Leopoldo N. Bataoil.
Gayunman, hindi lamang sa pagtatampok ng kanilang pangunahing produktong Bagoong sumentro ang festival dahil nagkaroon din ng iba’t ibang competition at iba pang pagsasaya na nagsimula noong Marso 14 at nagwakas hanggang Marso 16.
Highlight ng event o pang-finale ang Street Dancing and Grand Float Parade na nilahukan ng iba’t ibang paaralan at grupo sa nasabing lungsod at grand champion ang Domalandan Center Integrated School habang first runner up ang Pangasinan State University Lingayen Campus.
Marso 14 ay sinimulan na ang selebrasyon sa pamamagitan ng Motorcade, Taway-Taway, Misa na Pasasalamat , Lingawen Cooking Competition, Opening Program at Miss Gay.
Marso 15 ay isinagawa ang Kids Fun Day, Kalutan ed Lingayen, Tour to Bagoong Factory at Yugyugan ed Plaza.
At noong Marso 15 ay ang Street Dancing and Grand Float Parade.
Ang Bagoong Festival ay nagsimula noong April 2011 sa dalawang barangay sa Lingayen, ang Barangay Pangapisan Norte at Manibok kung saan umusbong ang paggawa ng bagoong.
Kinalaunan, buong bayan na ang nagdiwang nito upang ipagmalaki ang masarap na bagoong sa Pilipinas na nagdulot din ng pag-unlad sa pagnenegosyo sa bagoong habang ang festival ay daan din para sa turismo kung saan ang bentahe ang bagoong.
Sinabi naman ni Mayor Bataoil na talagang maipagmamalaki nila ang bagoong ng Lingayen dahil bukod sa masarap, ay export quality pa.
May dagdag na ulat si EVELYN GARCIA