MALOLOS CITY – LIBO-LIBONG mamamayang Bulakenyo ang patuloy na nakikinabang sa Lingkod Pangkalusugan ni Cong. Jose Antonio R. Sy-Alvarado (1st District, Bulacan) at kabilang sa biyayang naipagkakaloob nito sa distritong kanyang nasasakupan ang Medical at Dental mission na ang pinakahuli ay ginanap sa Calumpit, Bulacan.
Muling dinagsa ng kanyang kadistrito ang programang ito ni Cong. Alvarado na maayos na naisakatuparan sa Calumpit Sports Complex sa Barangay Poblacion, Calumpit dahil bukod sa medical at dental mission, nagkaroon din ng libreng konsultasyon sa dis-eases of skin,hair and nails or any skin related issues.
Mayroon ding libreng feel, mole excision at cauterization of warts at ilang mga mamamahayag din sa Bulacan kabilang ang kasapi ng Bigaa Writers and Artists Society (BIGWAS) ang nakinabang dito at sinamantala din ng mga kababaihan at kabataan ang libreng hair spa at haircut bukod pa sa mga libreng gamot.
Nabatid na maayos na naisatuparan ang medical at dental mission na ito bunga ng full support na ipinagkaloob ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Poblacion Barangay Captain Francisco Medina at maging ang mga sumailalim sa pagsusuri ng mga derma-tology ay nabiyayaan din ng mga libreng facial ointment at gamot.
Nakumpirmang halos lahat ng Barangay sa mga bayan ng Hagonoy, Calumpit, Bulakan, Paombong, Malolos City at Pulilan ay nakinabang na sa Lingkod Pangkalusugan ng nasabing kongresista at hindi ito tumitigil sa pagkakaloob ng serbisyo at mga livelihood program para sa kadistrito niyang nangangailangan ng tulong. A. BORLONGAN
Comments are closed.