MULTILINGUAL ang tawag sa taong mahusay sa dalawa o higit pang lengguwahe pero kung dalawa lang, pwede rin tawaging bilingual. Hindi kakaiba ang pagiging multilinguist; in fact, ganoon ang norm sa maraming bansa – tulad ng Pilipinas. Dito sa atin, karaniwan na ang marunong mag-Tagalog, mag-English at isa pang lenggwahe tulad ng Ilocano, Cebuano o kung anumang regional language. May mga pamilya ring Kastila ang second language sa bahay, kaya napakaposible sa isang Filipino ang ganitong sitwasyon. Maipagmamalaki rin nating kapag nakapagtrabaho nakapag-aral tayo sa ibang bansa ay matututunan din natin ang kanilang language.
Karaniwang tinatawag nila ang taong multilingual na polyglot, term na ginagamit sa taong marunong magsalita ng maraming languages bilang hobby. Pero syempre, kahit gaano pa karaming languages ang alam mo, meron pa rin tayong tinatawag na mother tounge – ang unang lenggwaheng natutunan mo mula pagkabata.
Iba ito sa linguaphile. Ito yung mga taong nag-aaral ng mga lengwahe nila dahil ito ang gusto nilang gawin. Fluent sila sa lahat ng mga lenggwaheng gusto pero sa totoo lang, hindi nila kailangan talagang maging fluent para matawag na linguaphile.
Gusto ng mga linguaphiles ang language para sa mga bagay na na nagagawa nito para sa kanya at sa ibang tao. –SHANIA KATRINA MARTIN