ISANG bayan sa Nueva Vizacaya, ang Villaverde ang isinailalim sa dengue outbreak.
Ito ay nang pumalo sa 61 ang kaso ng nasabing sakit noong Mayo at nagsimula sa isang barangay sa nasabing bayan.
Kabilang sa mga tinamaan ng kaso ay mga kabataan at anak ng isang barangay official.
Sa pagdami ng kaso, isinisi ng mga residente roon ang madalas na pag-ulan sa kanilang lugar.
May punto naman ito dahil dumarami ang mga lugar na may tubig na maaaring pangitlugan ng dengue carrier mosquitoes.
Subalit sa ngayon, numero uno pa ring hakbang laban sa dengue ang malinis na kapaligiran.
Hindi rin ipinapayo ng isang eksperto ang bakuna kontra dengue dahil nagkakasakit lamang kung makakagat ng lamok.
Sa mga paalala ng health authorities, tuwina ang kalinisan ng paligid ang tanging pangontra sa dengue at wala nang iba.
Ayaw ng dengue carrier mosquito ang malinis at lumalayo sila.
Kaya upang makaiwas, panahon na para ang mga maliliit na komunidad at barangay ay maglinis ng kanilang paligid kasama na ang mga lawa upang maging ligtas ang kanilang nasasakupan.