LINISIN ANG KATAWAN GAMIT ANG MGA SIMPLENG PARAAN

LINISIN ANG KATAWAN

(Ni CT SARIGUMBA)

MARAMI sa atin ang hindi ma­ingat sa katawan. O mas maganda yatang sabihing lahat ng maisipang gawin ay ginagawa. Lahat din ng maibigang kainin, kinakain.

Hindi naman masama ang gawin natin ang mga bagay na nakapagdudulot  sa atin ng kaligayahan.

Gayunpaman, sa rami ng problema sa mundo at sa samu’t saring sakit na maa­aring dumapo sa atin, napakahalaga na nakapag-iingat tayo nang makasama natin ng mas matagal ang ating pamilya at ma-enjoy natin ang ating buhay.

Okey, sabihin na nating talaga nga namang kaysarap ang kumain. At kung ano pa nga iyong ipinagbabawal sa atin, madalas pa ay iyon ang kinahihiligan natin.

Hindi sa lahat ng pagkakataon at panahon ay masasabi nating malakas at malusog ang ating kabuuan. Kaya naman, nga-yon pa lang ay kailangan na nating alagaan ang ating katawan. Oo nga’t wala pa tayong nararamdamang sakit. Pero hihintayin pa ba nating may ma­ramdaman bago tayo magpasyang ingatan ang ating katawan?

Dulot na rin ng samu’t-saring pagkaing walang sawa nating kinahihiligan kahit pa masama ito sa kalusu­gan, kaya ma-halagang gumagawa tayo ng pa­raan upang malinis ang ating katawan at mailabas ang toxin at kung ano-ano mang du-mi na naipon sa loob nito.

At upang magawa nating malinis ang ­ating katawan, narito ang ilan sa mga simpleng paraan na maaari nating subukan:

SIMULAN ANG ARAW SA PAG-INOM NG LEMON WATER

Marami sa atin ang hindi nahihilig sa pag-inom ng tubig. May ilan kasing kinaaayawan ang lasa nito.

Gayunpaman, napakaimportante ng tubig sa katawan nang manatili itong healthy at hydrated.

Kaya kung isa ka sa kinaaayawan ang tubig, panahon na upang baguhin ang nakaugalian.

Napakaraming benepisyo ang naidudulot ng tubig.

Bukod nga sa napananatili nitong hydrated ang katawan, naiiwasan pa nito ang pagtanda ng balat.

Para naman magkaroon ng lasa ang tubig, maaari itong samahan ng hiniwa-hiwang lemon.

UMINOM NG FRESH JUICE

Bukod sa tubig o lemon water, mainam din ang pag-inom ng fresh juice.

Oo, marami sa atin ang mahilig sa juice. Gayunpaman, mas makatutulong ang fresh juice upang mailabas ang dumi na naipon sa ating katawan.

KAHILIGAN ANG PAGKAIN NG PRUTAS AT GULAY

Isa pa sa kailangan nating matutunan ay ang pagkain ng gulay at prutas.

Maraming pihikan sa pagkain. Hindi lang naman mga bata ang mapili sa pagkain.

Gayunpaman, upang maging healhty ang katawan at mailabas ang toxin o mga duming naipon, maha­lagang isinasama natin sa ating diyeta ang gulay at prutas. Fresh na gulay at prutas.

IWASAN ANG MGA TOXIC NA TAO

Panatilihin o mas piliin din nating ma­ging masaya.

Hindi lang toxic o mga dumi sa katawan ang dapat nating alisin sa ating sistema, gayundin ang mga toxic na kakilala o tao sapagkat wala naman itong maidudulot na maganda sa atin.

Kaya kung may toxic kang kakilala o kaibigan, dumistansiya na nang hindi ka mahawa.

Napakaraming paraan upang maging healthy ang ating katawan.

Sa pamamagitan pa lang ng mga kinakain natin at iniinom, makukuha na natin ang malusog at malakas na pangan-gatawan.

Kaya tandaan, hindi na tayo bumabata. At dahil hindi na tayo bumabata, alagaan na natin ang ating kalusugan.  (Google images)