Mga laro sa Martes:
(Filoil Flying V Centre)
12 noon – Mapua vs Letran (Men)
2 p.m. – Perpetual vs Arellano (Men)
4 p.m. – SSC-R vs CSB (Men)
NAHILA ng defending three-time champion San Beda ang kanilang perfect run sa apat na laro habang napalawig ng Lyceum of the Philippines University ang kanilang sariling streak sa tatlo sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.
Nalimitahan ng Red Lions ang San Sebastian sa 24 points sa second half upang maiposte ang 73-59 panalo at mabawi ang liderato.
Sa kabila ng pagkawala ni ace guard Jaycee Marcelino ay tinambakan ng Pirates ang Jose Rizal University, 95-77.
Umangat ang San Beda ng kalahating laro sa College of Saint Benilde (3-0) para sa best record sa liga, habang sumirit ang LPU sa 4-1 kartada upang makatabla ang walang larong Letran sa ikatlong puwesto.
Sa iba pang laro ay tumipa si Kent Salado ng 24 points at 11 assists sa kanyang pinakamagandang laro magmula nang bumalik buhat sa two-year hiatus nang sa wakas ay bigyan ng Arellano University si bagong coach Cholo Martin ng panalo matapos ang apat na sunod na talo sa pamamagitan ng 86-77 pagbasura sa Emilio Aguinaldo College.
Tinapos ng San Sebastian (2-2) ang linggo na winalis ng finalists noong nakaraang season, kung saan tumipa lamang si RK Ilagan ng tatlong puntos sa 1-of-8 shooting. Hindi nakaiskor si Ilagan sa 69-80 pagkatalo sa Pirates noong Martes.
Iskor:
Unang laro:
San Beda (73) – Nelle 14, Tankoua 14, Canlas 14, Oftana 10, Doliguez 8, Noah 6, Soberano 3, Bahio 2, Abuda 1, Cuntapay 1, Etrata 0, Visser 0, Obenza 0, Cariño 0.
SSC-R (59) – Bulanadi 15, Capobres 13, Dela Cruz 12, Calma 6, Altamirano 4, Ilagan 3, Sumoda 2, Villapando 2, Desoyo 2, Tero 0, Cosari 0, Calahat 0.
QS: 16-19, 32-35, 48-45, 73-59
Ikalawang laro:
LPU (95) – Nzeusseu 13, Tansingco 13, Ibañez 11, Valdez 11, Caduyac 8, Jv. Marcelino 7, David 7, Pretty 6, Navarro 6, Laurente 6, Yong 4, Santos 2, Guinto 1.
JRU (77) – Amores 23, Miranda 13, Delos Santos 9, Dionisio 6, Aguilar 6, Vasquez 6, Steinl 4, Jungco 4, Dela Rosa 3, Abaoag 2, Arenal 1.
QS: 31-19, 51-27, 75-49, 95-77
Ikatlong laro:
Arellano (86) – Salado 24, Concepcion 14, Bayla 11, Sablan 10, Espiritu 8, Arana 5, Oliva 5, Alcoriza 3, Santos 2, Gayosa 2, Talampas 2, De Guzman 0, Segura 0, Sunga 0.
EAC (77) – Maguliano 26, De Guzman 12, Mendoza 9, Taywan 8, Gonzales 8, Gurtiza 6, Luciano 6, Corilla 2, Martin 0, Tampoc 0, Dayrit 0, Cadua 0, Boffa 0.
QS: 29-15, 47-36, 59-50, 86-77
Comments are closed.