Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre)
8 a.m.- CSJL vs EAC (jrs)
10 a.m.- UPHSD vs CSB (jrs)
12 nn-CSJL vs EAC (srs)
2 p.m.- UPHSD vs CSB (srs)
4 p.m.- AU vs SBU (srs)
6 p.m.- AU vs SBU (jrs)
SISIKAPIN ng San Beda na makabawi matapos ang masaklap na pagkatalo sa Lyceum of the Philippines University sa pagsagupa sa Arellano University sa 94th NCAA basketball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.
Nalasap ng Lions ang 66-73 pagkatalo sa Pirates noong Martes para madungisan ang kanilang malinis na marka matapos manalo sa unang anim na asignatura.
Nakatakda ang duelo ng Lions at Chiefs sa alas-4 ng hapon.
“We just have to bounce back from it and try to get as many wins as possible,” wika ni San Beda coach Boyet Fernandez.
Makakaharap ng San Beda ang AU team na determinadong makakawala sa pagkakaipit sa gitna makaraang magtala ng tatlong panalo sa pitong laro.
Sa unang laro sa alas-2 ng hapon ay sisikapin ng University of Perpetual Help System Dalta na manatili sa ikatlong puwesto (5-2) habang pipilitin ng College of St. Benilde na maagaw ito.
Ang Altas ay isang rebelasyon dahil umangat sila sa kanilang kasalukuyang puwesto sa kabila na pumasok sa season na may 11 bagong players at bagong coach, sa katauhan ni Frankie Lim.
Sinabi na Lim na ang susi ay ang depensa at execution.
“We’re winning games because we’re playing really tough defense and making shots,” ani Lim.
Samantala, sisikapin naman ng Letran na maduplika ang 84-63 pagbasura sa Mapua noong Martes sa pagharap sa Emilio Aguinaldo College.
Nanguna si Bong Quinto para sa Knights sa naturang laro sa pagkamada ng triple-double na may 12 points, 10 boards at 11 assists.
Comments are closed.