LIONS, CARDINALS SASALO SA LIDERATO

NCAA

Mga laro bukas:

(Filoil Flying V Centre, San Juan)

8 a.m.- UPHSD vs AU (jrs)

10 a.m.- CSJL vs MU (jrs)

12 nn.- UPHSD vs AU (srs)

2 p.m.- CSJL vs MU (srs)

4 p.m.- SBU vs JRU (srs)

6 p.m.- SBU vs JRU (jrs)

TARGET ng San Beda at Mapua na makasalo sa liderato sa Lyceum of the Phl U habang  patutunayan ng Perpetual Help na hindi tsamba ang unang pares ng magandang laro sa pagpapatuloy ng 94th NCAA basketball tournament bukas sa Filoil Flying V ­Centre sa San Juan City.

Makasasagupa ng ­Lions, nagwagi sa Altas, 67-65, sa opener noong Hulyo 7 sa MOA Arena sa Pasay City, ang Jose Rizal Bombers sa alas-4 ng hapon habang makakaharap ng Cardinals, namayani sa Jose Rizal Bombers, 72-60,  noong Huwebes sa JRU Gym sa Mandaluyong, ang Letran Knights sa alas-2 ng hapon.

Maagang kinuha ng Pirates ang pangunguna nang malusutan ang kanilang unang dalawang asignatura, kabilang ang 106-97 pagbasura kay Cameroonian Hamadou Laminou at sa Emilio Aguinaldo Generals noong Biyernes.

Sinabi ni San Beda coach Boyet Fernandez na nakapokus sila sa pag-execute ng kanilang game plan at pagbuslo ng bola mata-pos ang 21-of-58 clip mula sa field at 22-of-32 mula sa foul line laban sa Pereptual Help na muntik na nilang ikatalo.

Naging miserable ang shooting ng Lions kung saan naipasok lamang ni Robert Bolick, ang kanilang lider, ang tatlo sa 14 at-tempts subalit nagtapos pa rin na may team-best 15 points makaraang magtala ng perfect eight-of-eight mula sa charity area.

“We just devoted the last week more on shooting and ­execution,” ani  Fernandez.

Para sa Cardinals, umaasa si coach Atoy Co kina rookies Warren Bonifacio at Eric Jabel, produkto ng high school program ng Mapua, na nagpakawala ng 10 at 9 points, ayon sa pagkakasunod, para sa kanilang ­unang college game.

“I’ve recruited them because I know they are good and I expect to see more from them,” wika ni Co patungkol sa duo nina Bonifacio at Jabel.

Mainit naman ang simula ng Altas sa ilalim ng bagong coach na si Frankie Lim makaraang muntik nang masilat ang Lions at pagkatapos ay pinadapa ang Knights, 78-75, noong Biyernes, kung saan nagbuhos si Edgar Charcos, isang rookie transferee mula sa University of the East, ng  career-high 27 points.

“We just want to prove that we can compete, I hope we got their respect,” pahayag ni Lim, na iginiya ang San Beda sa apat na kampeonato, mahigit isang dekada na ang nakalilipas, bago ginabayan ang Las Piñas.

4 thoughts on “LIONS, CARDINALS SASALO SA LIDERATO”

  1. Its like you read my mind! You seem to know a lot about this, like you wrote the book in it or something. I think that you could do with a few pics to drive the message home a bit, but other than that, this is excellent blog. A fantastic read. I’ll definitely be back.

Comments are closed.