LIONS DUMIKIT SA FINALS

san beda red lion

Mga laro ngayon:

(Filoil Flying V Centre)

12 noon – Letran vs Perpetual (Men)

2 p.m. – LPU vs JRU (Men)

4 p.m. – EAC vs Arellano (Men)

LUMAPIT ang defending champion San Beda sa pagkopo ng outright championship berth habang nakaiwas ang Mapua sa maagang pagkakasibak sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.

Kinailangan ng Red Lions ang isa pang malaking third quarter breakaway upang gapiin ang College of Saint Benilde, 95-73, at mapalawig ang kanilang perfect run sa 17 games,

Napigilan ng Cardinals ang kampanya ng San Sebastian na kumpletuhin ang semifinals cast sa pamamagitan ng 90-73 panalo, na naglapit sa Mapua ng isang laro sa No. 4 spot.

Umaasa ang San Beda na malusutan ang nalalabi nitong laro upang makumpleto ang walang dungis na elimination round campaign kontra two-time runner-up Lyceum of the Philippines University sa Huwebes.

“Actually, simple lang ang sinabi ko sa players ko sa halftime. Mahiya naman sila sa sarili nila. They are really playing well in the last 16 games and they will just do a different thing come the 17th game,” wika ni San Beda coach Boyet Fernandez.

Iskor:

Unang laro:

San Beda (95) – Oftana 29, Canlas 21, Tankoua 13, Soberano 10, Nelle 9, Alfaro 9, Doliguez 2, Cuntapay 2.

CSB (73) – Gutang 23, Young 7, Carlos 7, Dixon 7, Belgica 6, Haruna 6, Flores 6, Sangco 5, Nayve 3, Mosqueda 3.

QS: 27-20, 41-42, 72-58, 95-73

Ikalawang laro:

Mapua (90) – Lugo 22, Victoria 18, Gonzales 15, Buñag 9, Gamboa 8, Garcia 6, Bonifacio 4, Salenga 2, Nieles 2, Nocum 2, Serrano 2, Aguirre 0, Dela Cruz 0.

SSC-R (73) – Ilagan 19, Bulanadi 18, Calahat 10, Villapando 9, Calma 4, Sumoda 4, Altamirano 3, Desoyo 2, Loristo 2, Suico 2, Tero 0, Isidro 0.

QS: 23-15, 46-39, 68-60, 90-73