LIONS LUMAPIT SA SWEEP

Lion

Mga laro sa Martes:

(Filoil Flying V Centre)

12 noon – Letran vs CSB (Men)

2 p.m. – San Beda vs Mapua (Men)

4 p.m. – Arellano vs SSC-R (Men)

NAITALA ng defending champion San Beda ang wire-to-wire 88-57 win laban sa  College of Saint Benilde upang mapalawig ang kanilang perfect run sa walong laro at lumapit sa first round sweep sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa  Filoil Flying V Centre.

Matagumpay na pinangasiwaan ni coach Boyet Fernandez ang playing time ng kanyang tropa kung saan nakakuha ang Red Lions ng 53 points mula sa kanilang reserves sa panalo.

“I’m happy that the other guys coming off the bench are stepping up. We are trying to let the others play so that pagdating sa dulo na, kailangang may kumpiyansa na lahat ng players ko. Sana tuloy-tuloy na rin ang kanilang pag-improve (reserves) so we can be a very solid team come the second round,” wika ni Fernandez.

Nagbuhos si Calvin Oftana ng career-high 27 points, 9 rebounds at 2 steals, habang nag-ambag si AC Soberano ng 14 points para sa San Beda, na nanalo ng 22 sunod mula pa noong nakaraang season.

Sa iba pang laro, kumana si Justin Arana ng double-double 24 points at 11 rebounds nang gulantangin ng Arellano University ang Lyceum of the Philippines University, 87-81, na nalasap ang back-to-back defeats.

Tumabo naman si Allyn Bulanadi ng personal-best 31 points nang maitakas ng San Sebastian ang 107-90 panalo laban sa University of Perpetual Help System Dalta.

Umaasa ang Lions na mapapalaban sila nang husto sa Blazers sa make-up ng kanilang nakanse­lang laro noong Agosto 2, subalit kabaligtaran ang nangyari.

“I think I was really worried about the game. Kasi we played LPU, which was a tough game for us. Tapos lalaro kami ng Friday. Heto rin, St. Benilde has been playing well. The only loss that they got before this game was LPU,” ani  Fernandez.

Naiposte ng Stags ang ikalawang sunod na panalo at ika-4 sa kabuuan laban sa tatlong talo.

Iskor:

Unang laro:

San Beda (88) – Oftana 27, Soberano 14, Canlas 11, Nelle 8, Tankoua 7, Doliguez 5, Bahio 4, Visser 4, Abuda 2, Etrata 2, Alfaro 2, Cuntapay 2, Cariño 0, Obenza 0, Noah 0.

CSB (57) – Gutang 10, Pasturan 10, Nayve 8, Leutcheu 7, Naboa 6, Sangco 6, Flores 4, Carlos 3, Dixon 2, Belgica 1, Haruna 0, Young 0, Le-palam 0.

QS: 20-9, 44-25, 67-39, 88-57

Ikalawang laro:

SSC-R (107) – Bulanadi 31, Capobres 18, Ilagan 17, Calma 14, Calahat 7, Desoyo 6, Dela Cruz 5, Sumoda 4, Villapando 3, Cosari 2, Altamirano 0, Isidro 0, Tero 0.

Perpetual (90) – Egan 20, Aurin 14, Adamos 14, Razon 11, Peralta 10, Charcos 10, Lucero 5, Tamayo 3, Martel 2, Sese 1, Cuevas 0, Barasi 0.

QS: 25-19, 54-43, 82-66, 107-90

Ikatlong laro:

Arellano (87) – Arana 24, Salado 16, Concepcion 11, Talampas 10, Bayla 9, Sablan 6, Oliva 6, Gayosa 5, Alcoriza 0, Espiritu 0, Sunga 0, De Guzman 0.

LPU (81) – Nzeusseu 17, Marcelino JV. 12, Ibañez 11, Marcelino JC. 10, Santos 10, Tansingco 9, David 6, Valdez 6, Navarro 0, Yong 0, Pretta 0, Remulla 0.

QS: 22-19, 41-47, 65-65, 87-81

Comments are closed.