LIONS SINAKMAL ANG BOMBERS; PIRATES YUKO SA GENERALS

San Beda

Mga laro sa Martes:

(Filoil Flying V Centre)

12 noon – Letran vs JRU (Men)

2 p.m. – Mapua vs SSC-R (Men)

4 p.m. – Perpetual vs CSB (Men)

NAIPOSTE ng defending three-time champion San Beda ang ikalawang sunod na panalo at kinuha ang maagang liderato habang yumuko ang Lyceum of the Philippines University sa Emilio Aguinaldo College sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.

Ginanahan sa kanyang bagong papel bilang starting playmaker, pinatuna­yan ni Evan Nelle ang kanyang halaga nang maitarak ng Red Lions ang wire-to-wire 74-52 win laban sa Jose Rizal University.

Umiskor si Jethro Mendoza ng game-winning lay-up sa huling 1.5 segundo at nakopo ni Oliver Bunyi ang kanyang unang panalo bilang bagong coach ng Generals sa 84-82 pagsilat sa Pirates.

Kuminang si Jerrick Balanza na may career-high 31 points at binigyan din ng  Letran si coach Bonnie Tan ng winning debut sa pamamagitan ng 81-72 pagdispatsa sa Arellano University sa ikalawang laro.

Nagbigay si Nelle ng 11 assists sa first half pa lamang at tumapos na may 14 dimes, ang pinakamarami ng isang player mag-mula nang magtala si Jio Jalalon ng 17 assists sa 86-76 panalo ng Arellano laban sa San Sebastian noong Set. 11, 2015.

Bumagsak ang Bombers sa 0-2 kasama ang Chiefs.

Iskor:

Unang laro:

San Beda (74) – Canlas 17, Oftana 17, Bahio 11, Doliguez 7, Tankoua 6, Soberano 6, Nelle 5, Abuda 3, Cariño 2.

JRU (52) – Dionisio 13, Dela Rosa 11, Vasquez 9, Amores 8, Steinl 6, Jungco 2, Aguilar 2, Abaoag 1.

QS: 21-10, 45-31, 66-43, 74-52

Ikalawang laro:

Letran (81) – Ba­lanza 31, Ambohot 15, Ular 8, Caralipio 8, Mina 6, Muyang 5, Olivario 2, Javillonar 2, Sangalang 2, Reyson 2.

Arellano (72) – Alcoriza 19, Arana 12, Gayosa 11, Salado 9, Sablan 8, Talampas 6, Concepcion 4, Bayla 3.

QS: 23-16, 36-40, 60-59, 81-72

Ikatlong laro:

EAC (84) – Taywan 21, Mendoza 21, Carlos 11, Maguliano 10, Tampoc 8, Martin 5, Gonzales 4, Gurtiza 2, Luciano 2, Estacio 0, Cadua 0.

LPU (82) – JC. Marcelino 23, Caduyac 17, David 9, Tansingco 7, Ibañez 6, JV. Marcelino 5, Valdez 5, Remulla 2, Navarro 2, Yong 2, Guinto 2, Santos 2, Laurente 0, Pretta 0.

QS: 14-22, 40-39, 66-55, 84-82

Comments are closed.