LIPAD NG LOCAL AIRLINES ‘DI APEKTADO SA SATELLITE LAUNCH NG NOKOR

HINDI  maaapektuhan ang lipad ng mga local airline companies sa plano ng North Korea na satellite launch simula Mayo 31 hanggang Hunyo 11.

Nagpalabas ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng notice to airmen (NOTAM) sa mga piloto bilang pag-iingat.

Nilinaw na ni CAAP Spokesperson Eric Apolonio na walang ruta ng commercial airlines na lumilipad sa himpapawid ng Pilipinas ang maaapektuhan.

Nagbabala na ang gobyerno ng Japan na pababagsakin ang anumang North Korean missile na papasok sa kanilang air space base na rin sa abiso ng Pyongyang ukol sa planong paglulunsad ng satellite.