LIPAT-PAG-AARI NG MISLATEL INENDORSO NI POE

SEN GRACE POE

KINATIGAN  ng Senate committee on public services sa pamumuno ni Senadora Grace Poe ang pag-apruba ng Kamara ng mga Representante sa paglilipat na pagmamay-ari ng Mindanao Islamic Telephone Company Inc. (Mislatel) sa mga ka-partner nito sa Mislatel Consortium.

Ang consortium na pinamumunuan ng ne­gosyanteng si Dennis Uy ng Udenna Corporation, ang napili ng National Tele­communications Commis-sion (NTC) bilang provisional na ikatlong telecommunications (telco)  player sa bansa noong nakaraang ­Nobyembre 7.

Inendorso ni Poe nitong Lunes ang pag-apruba ng plenaryo ng Kamara sa House Concurrent Resolution No. 23 na nagpapahin­tulot sa paglilipat ng majo­rity shares ng Mislatel sa consortium.

Nilinaw ni Poe na may 90 araw ang consortium upang tumupad sa post-qualification requirement, kabilang ang pagpapasok ng puhunan sa Mislatel na may hawak ng prangkisa ng Kongreso.

“As necessitated by Mislatel’s franchise granted under Republic Act 8627, the Congress needs to approve the ‘transfer, sale, or assignment of the controlling interest of Mindanao Islamic Telephone Company Inc. due to the capital infusion of the Mislatel Group into Mislatel itself,” sabi ni Poe sa kanyang sponsorship speech.

“As regards the ‘red flags’ and ‘allegations of violations’ against Mislatel, interested parties are never precluded to avail of legal remedies in the reg-ular courts. As a matter of fact, the Congress is not even precluded to alter, modify, or repeal the franchise granted to Mislatel under RA 8627,” paglilinaw ni Poe.

Idinagdag ni Poe na malulugi ang consortium ng mahigit P25 bilyon kung mabibigo ito sa pananagutan nito.

“If Mislatel fails to deliver on their promises, they are going to lose their bond, they will also lose a big chunk of their capital expenditure,” dagdag ni Poe.

Comments are closed.