LIPSTICK NI MAINE MENDOZA ILULUNSAD NA SA MERKADO NGAYONG ARAW

MAINE MENDOZA

ILANG araw bago ilabas ang kolaborasyon ni Maine Mendoza sa MAC cosmetics, panay na ang tukso sa kanyang followers ng iba’t ibang trivia sa Instagram.

Una, sinabi ng cosmetics company na siniguro ng Kalyeserye sweetheart na ang shade ay akmang-akma sa skin tone ng bawat Filipina.

“She kept in mind the Filipina when she created her lipstick shade. Maine wanted to make sure that it is flattering on every Filipina’s skin tone and for any occasion!” pahayag ng kompanya.

Ang ikalawang trivia tidbit ay si Maine mismo ang nagdisenyo ng packaging ng kanyang lippie.

Isisiwalat na ang kulay ng lipstick ni Maine ngayong araw. Mabibili ito sa Setyembre 21 sa isang online shop at ilulunsad sa SM Megamall sa Setyembre 22. Mabibili naman ito sa lahat ng MAC kiosks sa buong bansa sa Setyembre23.

Si Maine Mendoza ang kauna-unahang Filipina na gumawa ng kolaborasyon sa Mac brand.

Comments are closed.