LIPSTICK NI MAINE MENDOZA PINILAHAN; NASA 5K NA RESERVATION BAWAT TINDAHAN

MAINE MENDOZA-6

THE long wait is over, sabi nga, nang i-launch na last Wednesday evening, September 19, angshowbiz eye personalized shade of MAC Cosmetic lipstick ni phenomenal star Maine Mendoza. At talagang pinilahan agad ang order para sa lipstick at mabilis na umabot sa 5K ang reservation sa bawat store na maglalabas nito.

Mabilis na nagpasalamat si Maine sa kanyang Instagram: “Opted for a nude share with matte finish that would work well on a variety of skin tones.  I want this to be the universal nude lipstick since you can wear it with anything – from casual to formal – at any time of the day regardless of the occasion! Really excited for you guys to have it!  Still feels surreal to actually have my very own lipstick with MAC.  Thank you very much, @maccosmeticsph! I will be forever honoured and grateful for being a #MACMaker.

Si Maine na rin ang nag-design ng kiss-print packaging @MaineforMAC.

Dagdag na post ni Maine! Hope you could all get your hands on it! It was out on September 21st at Lazada; on the 22nd in Megamall and on the 23rd in all MAC stores nationwide.

MEGAN YOUNG AT MIKAEL DAEZ TULOY ANG TRIP SA ICELAND

MEGAN YOUNG-MIKAEL DAEZMAY sakit si Megan Young, may fever at may hoarse voice siya, nang bumisita kami sa taping ng kanilang Afternoon Prime drama series na “The StepDaughters” sa isang mansion sa Antipolo City.  Wala siyang reklamo at tuloy ang taping nila dahil sunod-sunod na ang mga rebelasyon sa story.

“Saka hindi ko po imi-miss ang makatrabaho ang mga kasama ko rito dahil, masaya kami lagi sa set,” sabi ni Megan. “Sa story po lamang kami la­ging nag-aaway ni Isabelle (Katrina Halili) pero off-camera, sama-sama kami palagi. Wala po kaming naging problema simula pa nang mag-taping kami under Paul Sta. Ana.”

Nagsimula pala silang nag-taping noong Nob­yembre  2017, at naipalabas sila simula noong Pebrero  12, at naging consistent ang mataas nilang rating.

“Masaya ako kasi ito ang first teleserye ko na magkasama kami ni Mikael (Daez). At so far, ito ang pinakamatagal kong ginawang teleserye. Ang ganda ng samahan namin sa set, si Katrina, hindi mo maririnig na magreklamo, kahit iyong mahihirap na away namin, gagawin niya basta kaya niya.  At hindi pa matatapos ito, tuloy-tuloy pa rin ang away namin.”

Ayaw mag-preempt ni Megan ng possible na eksena nila leading sa pagtatapos ng teleserye, marami pa raw mangyayari.  Hindi rin nila alam kung hanggang kailan pa sila dahil wala pang sinasabi sa kanila.

Saan sila pupunta ni Mikael pagkatapos ng “The StepDaughters?”  Travel buddies ang dalawa at kung may chance silang magbakasyon within their taping days, ginagawa nila.  Like last month ay nag-attend siya sa wedding ng sister ni Mikael sa Paris.

“Nagpa-book na po si Mikael noon pa Iceland at itutuloy namin ang trip kapag puwede na kaming umalis.”

Eight years na ang relasyon nina Megan at Michael, hindi pa ba sila magpapakasal?

“Ako po, I’m ready for anything.  Kung magpapakasal na kami, gusto ko lamang ay simple wedding, na nandoon lahat ng family namin ni Mikael at ang mga close friends namin.”

Ang “The StepDaughters ay napanonood daily, after ng “Ika-5 Utos.”

Comments are closed.