LIQUEFIED PETROLEUM GAS (LPG) INDUSTRY REGULATION ACT

TILA roller coaster ang taas-babang presyo ng mga produktong petrolyo.

Kung minsan bumababa naman.

Ang masakit nga lang isipin, mas malaki ang umento kaysa bawas-presyo.

Halimbawa, magtataas ng P1 at magro-rollback naman ng 40 o 30 sentimos.

Nagiging tipikal na senaryo na ito sa industriya.

Kung iisipin nga raw, parang wala na sa sistema ang pagtataas ng mga kompanya ng langis.

Wala namang magawa ang Department of Energy (DOE).

Isa sa mga dahilan nito ay ang Oil Deregulation Law, isang batas na kung saan hindi na hawak o hindi maaaring kontrolin ng gobyerno ang pagtataas ng presyo ng langis sa bansa.

Kaya naman, parang pinababayaan na lamang ang mga kompanya ng langis.

Wala naman daw magagawa kasi gumagalaw ang presyo sa world market.

Tuwing nagkakaroon ng oil price hike, siyempre, sumasabay ang liquefied petroleum gas (LPG).

May good news naman daw dahil nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act 11592 o LPG Industry Regulation Act.

Ito raw ang magre-regulate sa domestic LPG gas industry at magtitiyak na protektado ang mga consumer laban sa mga abusadong negosyante.

Dahil ganap na ngang batas ang RA 11592, kasabay rin nitong itinatag ang LPG Cylinder Improvement Program upang masiguro ang kalidad ng mga cylinder sa sirkulasyon para sa proteksiyon na rin ng end-consumers.

Binanggit sa batas na sa pamamagitan ng LPG Cylinder Exchange and Swapping Program, pinapayagan ang “exchange, swapping, and buyback of LGP cylinders, the computation of the depreciated value of LPG cylinders, and the establishment of accredited LPG cylinder swapping centers.”

Nakaatang sa balikat ng Department of Energy (DOE) ang responsibilidad para sa implementasyon o pagpapatupad ng RA 11592.

Kabilang sa mga pangunahing trabaho rito ng DOE ay ang pagbabantay, pamamahala, at pagmo-monitor sa LPG industry at lahat ng industry participants upang matiyak na nasusunod ang health, safety, security, at environmental standards, ang applicable PNS (Philippine National Standards), at iba pang tinatalimang mga kodigo at pamantayan.

Ang DOE rin ang maghahanda ng LPG Industry Development Plan, sa pakikipagtulungan ng mga kinauukulang sektor, at ito ay magiging Philippine Energy Plan.

Itinatakda rin ng batas na lahat ng mga nagtitinda ng LPG ay dapat kukuha o aangkat lamang sa mga lisensiyadong industry player.

Hawak naman ng DOE ang exclusive authority sa pag-i-isyu ng ‘license to operate’ na mapapaso pagkatapos ng tatlong taon.

Ang sinumang mapatutunayang lumabag sa RA 11592 ay papatawan ng multa na maglalaro mula P5,000 hanggang P500,000 at pagkakakulong ng hindi bababa sa anim na buwan, at hindi naman hihigit sa anim na taon.

Well, maganda raw ang layunin ng batas.

Ngunit mas maigi sana kung inamyendahan na lang ang Oil Industry Deregulation Act.

Hanggang pangkaligtasan lang kasi talaga ang maaaring i-regulate ng gobyerno sa LPG products at hindi uubrang galawin ang presyo dahil sakop pa rin ito ng deregulation law.

Natatandaan ko pa, napabalita noon na pagpapaliwanagin daw ng mga mambabatas ang mga kompanya ng langis at binantaang bubuklatin ang kanilang mga libro dahil sa hindi makataru-ngang sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng kanilang mga produkto.

Ang lahat nang iyon ay tila pawang banta o porma lamang ng mga mambabatas.

Walang nangyaring pag-iimbestiga at parang naging tau-tauhan na rin lamang ang DOE sa walang patlang na pagtataas.

Ang kawawa sa walang tigil na pagtaas ng petroleum products ay ang maliliit o mahihirap.

Naku, kapag hindi pa tumigil ang pagtataas ng mga produktong petrolyo ay maaaring hindi na kumain ng tatlong beses ang mga hikahos sa buhay dahil wala na silang ibibili ng LPG.

Ang nakakalungkot kasi, pati ang kerosene o gaas ay tumaas na rin.

Tandaan na kerosene ang ginagamit ng mga mahihirap para sa kanilang de-bombang kusinilya o sa pangkaraniwang kalang de-gaas.

Nawa’y makaisip naman ang pamahalaan kung paano mapapagaan ang pasanin ng mga mahihirap ngayong panahon ng krisis.

Bakit tila halos walang maramdaman at sa halip ay pagdurusa sa mataas na presyo ng bilihin ang tinatamasa?

159 thoughts on “LIQUEFIED PETROLEUM GAS (LPG) INDUSTRY REGULATION ACT”

  1. Everything information about medication. safe and effective drugs are available.
    ivermectin iv
    Comprehensive side effect and adverse reaction information. Read now.

  2. drug information and news for professionals and consumers. drug information and news for professionals and consumers.
    https://clomiphenes.online can you buy clomid for sale
    safe and effective drugs are available. п»їMedicament prescribing information.

  3. п»їMedicament prescribing information. What side effects can this medication cause?
    treatment of ed
    Learn about the side effects, dosages, and interactions. Everything about medicine.

Comments are closed.