TAGUIG CITY – BUKOD sa shutdown ng signal and connectivity o signal jamming at hindi pagpapalipad ng sasakyang panghimpapawid, inihayag ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, Dir. Guillermo Eleazar na epektibo ngayong araw ang liquor ban bilang paghahanda sa Traslacion 2019 sa Miyerkoles.
Si Eleazar na napiling Man of the Year ay naglabas ng babala sa mga sasama sa prusisyon sa darating na Miyerkoles na iwasan ng uminom ng alak o huwag nang sumama sa Traslacion kung nasa impluwensiya ng alak.
Hiling din ni Eleazar sa mga deboto na habaan ang pasensiya sa prusisyon upang makaiwas sa mga hindi pagkakaunawaan na maaring magresulta sa kaguluhan o perwisyo.
Pinaaalalahan din ng heneral ang mga deboto na huwag nang magdala ng mga bata, matutulis na bagay lalo na ang mga ipinagbabawal na gamot gaya ng shabu at marijuana.
Kinumpirma rin ng opisyal na it all system go na para sa PNP at Armed Forces of the Philippines-Joint Task Force NCR kaugnay sa inilatag nilang seguridad sa gaganaping mahigit anim na kilometrong prusisyon mula sa Quirino Grandstand sa Luneta hangang pabalik ng simbahan ng Quaipo.
Una ng sinabi ng heneral na nasa 7,200 na mga pulis ang kanilang ide-deploy sa Traslacion habang nasa 2,000 mga sundalo naman ang makatutuwang ng NCRPO sa pagbibigay seguridad na magmumula sa AFP. ROSE LARA / VERLIN RUIZ
Comments are closed.