LIQUOR BAN MULI SA BAGUIO CITY

ALAK-8

BENGUET- UPANG pigilan ang umano’y talamak na drinking spree, muling nagpatupad ng liquor ban sa Baguio City.

Iniutos ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang hakbang makaraang makarating sa kaniyang kaalaman ang mga ulat na pag-iinuman sa mga construction site.

Mayroon pang isang grupo ang nag-Facebook- live ng kanilang inuman.

Ayon kay Magalong, mahaharap sa karampatang parusa ang sinumang lalabag sa liquor ban. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.