LIQUOR BAN MULI SA BAGUIO CITY

BENGUET –BAWAL na muli ang pagbili at pagbebenta ng inuming nakalalasing sa Baguio City upang maiwasan ang hawahan ng coronavirus disease 2019 (Covid1-19).

Kinumpirma naman ni Aileen Refuerzo, Public Information Office chief, ang kautusan at sinabing bahagi iyon ng quarantine restrictions na ipinatutupad ni Mayor Benjamin Magalong.

Nagsimula ang liquor ban noong Sabado, Setyembre 11 at magwawakas hanggang Setyembre 19.

Ang magandang balita naman para sa mga restaurant o fast food chain dahil pahihintulutan ang indoor dine-in services subalit dapat ay nasa 30 percent capacity lamang.

Pinapayagan din ang worship services na hanggang 20 percent seating capacity mula Setyembre 11 hanggang Setyembre 26.

Inamin ng lungsod na tumaas ang kaso ng COVID-19 sa kanila sa nakalipas na linggo.

“Based on this week’s data as supplied by the City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), our seven-day average for cases per day is now 165 and we expect this to further increase in the next two weeks,” nakapaskil sa social media account ng munisipyo.

Pinahigpitan na rin ni Magalong ang border ng Baguio City at sa mga nais umakyat sa kanilang lugar ay kailangang APOR (authorized person outside residence) lamang at dapat magpakita ng kumpletong vaccination document card kung walang negative result ng RT-PCR test.

8 thoughts on “LIQUOR BAN MULI SA BAGUIO CITY”

  1. 163333 988596Ive writers block that comes and goes and I require to find a method to get rid of my writers block. It can occasionally be so bad I can barley make sentences. Any guidelines? 492687

Comments are closed.